Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Leon Maria Guerrero

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Leon Maria Guerrero
Si Guerrero sa kaduluhan ng kanyang buhay
Kapanganakan1853
  • (Maynila, Kalakhang Maynila, Pilipinas)
Kamatayan1935
MamamayanPilipinas
NagtaposUnibersidad ng Santo Tomas
Pamantasang Ateneo de Manila
Trabahopolitiko, abogado, botaniko
Opisinamiyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas ()

Si Dr. Leon Ma. Guerrero ay ipinanganak noong 21 Enero 1853 sa Ermita, Maynila. Siya ay ika-14 na anak ng isang prominente at relihiyosong mag-asawa. Sina Leon George Guerrero at Clara Leogardo.

Siya ay nag-aral sa Ateneo Municipal de Manila at nagtapos naman ng kursong parmasyutika sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1876. Sa kanyang pag-aaral pawang matataaS na marka ang nakamit ni Guerrero.

Noong taong 1883, si Guerrero ay nagtayo ng sarili niyang tindahan ng gamot sa Binondo. Dito siya tumuklas ng iba't ibang halamang gamot na ang bisa ay maikukumpara sa kahusayan ng gamot sa ibang bansa.

Bilang isang Pilipinong may pagmamahal sa bayan, sumapi si Leon Guerrero sa Kongreso ng Malolos at isa siya sa lumagda sa Konstitusyon ng Malolos noong ilunsad ang Unang Republika ng Pilipinas. Sumulat rin siya ng artikulo sa "La Independencia", isang pahayagan noong panahon ng himagsikan. Siya rin ay naging editor nang "La Republika Filipina".

Bukod dito siya ay nagturo ng "Natural History" sa Liceo de Manila na kung saan ay itinatag niya ang samahan ng mga guro sa parmasyutika (Faculty of Pharmacy). Siya ang kauna-unahang propesor sa Pilipinas na nagturo ng "Vegetable Histology" sa pamamaraang praktikal. Siya rin ay naging pinuno ng "Bureau of Science" na siyang nagdulot sa kanya ng lubos na kasiyahan at naging kuntento na sa buhay.

Ang politika ay naging bahagi rin ng buhay ni Guerrero. Siya ay naging kinatawan ng ikalawang distrito ng Malolos para sa Pambansang Asembleya ng Pilipinas.

Siya ay binawian ng buhay noong 13 Abril 1935.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.