Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Leó Szilárd

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Szilárd Leó ang taal na porma ng pangalang ito. Ginagamit sa artikulong ito ang Kanluraning pagkakasunud-sunod ng pangalan.
Leó Szilárd
Kapanganakan11 Pebrero 1898[1]
  • (Hungary)
Kamatayan30 Mayo 1964[1]
MamamayanHungary
Alemanya (1930–)
Estados Unidos ng Amerika (Marso 1943–)
NagtaposBudapest University of Technology and Economics
Humboldt-Universität Berlin
Pamantasang Teknikal ng Berlin
Trabahoimbentor, pisiko,[2] propesor ng unibersidad, manunulat ng science fiction, siyentipiko
Pirma

Si Leó Szilárd (Hungaro: Szilárd Leó, Aleman: Spitz, Leo hanggang sa gulang na 2) (11 Pebrero 1898 – 30 Mayo 1964) ay isang Austro-Hunggarong pisiko at imbentor na naglarawan sa kanyang isipan ng sunud-sunod na tugong nukleyar noong 1933, nagpatente ng ideya ng reaktor na nukleyar na kasama si Enrico Fermi (nagkasama ang dalawa sa Unibersidad ng Columbia[3]), at sa huli ng 1939 ay sumulat ng liham para sa lagda ni Albert Einstein na nagresulta sa Proyektong Manhattan na gumawa sa bombang atomiko. Inilarawan din niya sa kanyang isipan ang tatlong mga aparatong rebolusyonaryo: ang mikroskopong elektron, ang akselerador na linear, at ang cyclotron. Hindi si Szilárd ang mismong gumawa ng lahat ng mga aparatong ito, o naglathala ng mga ideyang ito sa mga diyaryong pang-agham, kung kaya't ang pagbanggit o kredito ay kadalasang napupunta sa ibang mga tao sa halip na siya o sa kanya. Bilang resulta, hindi kailanman nakatanggap si Szilárd ng Premyong Nobel, subalit ang dalawa sa kanyang mga imbensiyon ay nakatanggap nito.[4]

Ipinanganak siya sa Budapest sa Imperyong Austro-Hunggaro. Nagpunta siya sa Estados Unidos noong 1937 at naging isang mamamayang Amerikano.[3] Namatay siya sa La Jolla, California.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Internet Movie Database (sa wikang Ingles), nm0844081, Wikidata Q37312, nakuha noong 16 Oktubre 2015{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. https://cs.isabart.org/person/123750; hinango: 1 Abril 2021.
  3. 3.0 3.1 "Szilard, Leo (1898–1964)". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik S, pahina 571.
  4. Gene Dannen: Leo Szilard the Inventor: A Slideshow (1998, Budapest, conference talk)

Siyentipiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Siyentipiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.