Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Ang Marikit na May-damit

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa La maja vestida)
Ang Marikit na May-damit
Alagad ng siningFrancisco de Goya
Taon1800-1805 (c. 1803)
TipoLangis sa kanbas
KinaroroonanMuseo del Prado, Madrid

Ang dibuhong Ang Marikit na May-damit (Kastila La maja vestida, ang orihinal na pamagat; Ingles: The Clothed Maja) ay isang larawang ipininta ng Kastilang pintor na si Francisco de Goya noong pagitan ng 1798 at 1805. Ito ang nadadamitang bersiyon ng Ang Marikit na Walang-damit at nakatanghal na katabi nito sa nag-iisang silid sa Museong Prado sa Madrid. Naging unang pag-aari ito ng Punong Ministrong si Manuel de Godoy, isang kilalang babaero. Una itong itinanghal ni de Godoy sa kaniyang tahanan sa harap ng bersiyong walang-kasuotan, sa isang paraan kung saan ang walang kasuotang maja (ang "marikit" o "kaakit-akit") ay mailalantad anumang oras sa tulong ng isang mekanismong panghila sa kurtinang tabing nito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.