Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Islamikong Estado

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa ISIL)
Islamikong Estado
الدولة الإسلامية (Arabe)
ad-Dawlah al-ʾIslāmiyyah
Rayat al-`Uqab, the "Eagle Banner"; also called the black flag of jihad
Watawat
'Salawikain: 'باقية وتتمدد
"Bāqiyah wa-Tatamaddad" (transliterasyon)
"Nananatili at Lumalaki"
[1][2]
Teritoryong hawak ng Islamikong Estado batay noong 20 Disyembre 2014
  Areas controlled by the Islamic State
  Areas claimed by the Islamic State
  Rest of Iraq and Syria
Note: map includes uninhabited areas.
Kabisera
  • Raqqah, Sirya (2013-17)[3][4]
  • Mayadin, Sirya (Hunyo-Oktubre 2017)[5][6]
  • Al-Qa'im, Iraq (Oktubre–Nobyembre 2017)[7]
  • Hajin, Sirya (Nobyembre 2017-kasalukuyan)[8]
PamahalaanIslamikong kalipato
• Pinuno
Abu Bakr al-Baghdadi, Kalifa Ibrahim[9][10]
Itinatag
• Deklarasyon ng Islamikong Estado ng Irak at Levant
9 Abril 2013[11]
• Pagkatatag ng kalipato
29 Hunyo 2014
Sona ng orasUTC+3 (Arabia Standard Time)
Kodigong pantelepono+963 (Sirya)
+964 (Iraq)

Ang Islamikong Estado (Arabe: الدولة الإسلامية, ad-Dawlah al-ʾIslāmiyyah), na dating kilala bilang Islamikong Estado ng Irak at Levant (ISIL) at Islamikong Estado ng Irak at Sirya (ISIS), ay isang hindi kinikilalang estadong jihadista sa Gitnang Silangan. Ito ay itinuturing na teroristang samahan ng mga pamahalaang kanluranin gaya ng Estados Unidos, Canada, Nagkakaisang Kaharian, at marami pang iba.

Dating kasapi ng teroristang grupong al-Qaeda bilang al-Qaeda sa Irak noong 2004, tumiwalag ang ngayo'y ISIS mula sa nasabing grupo, sanhi ng pagkastigo ng una sa huli ng hindi pagkonsulta sa kanila at ng kanilang "pagkaberdugo" noong Pebrero 2014. Bago pa man nito, nasa kanlurang Irak ang kanilang teritoryong sinasakupan; noong 2013, umabot na sa Sirya ang kanilang sakop. Sanhi nito, naging Islamikong Estado ng Irak at Sirya ang pangalan ng grupo noong kaparehas na taon.

Simula noong 29 Hunyo ng kaparehas na taon, ipinahayag ng grupo ang pandaigdigang kalipato, habang si Abu Bakr al-Baghdadi naman ang nagsisilbing kalifa nila sa pangalang Kalifa Ibrahim, bagkus naging Islamikong Estado na lamang ang pangalan ng estado. Bilang kalipato, inaangkin ng grupo na pinamumunuan nila ang lahat ng mga Muslim sa daigdig.

Bilang pinakamalaking teroristang grupo sa daigdig, sa kasalukuyan mayroon silang tinatayang 200,000 terorista sa Irak at Sirya, habang may tinatayang 30,000 terorista naman ang meron sila sa Libya, Ehipto, Pakistan, Afghanistan, Algeria, at sa Timog-Silangang Asya, kabilang na ang Pilipinas.

Kilala ang grupo sa kanilang madugong propaganda, kasali ang kanilang pampupugot ng mga ulo ng kanilang mga bihag na kanila namang inilalagay sa Internet.

  1. Hassan, Hassan (11 Hunyo 2014). "Political reform in Iraq will stem the rise of Islamists". The National. Nakuha noong 18 Hunyo 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Khatib, Lina (12 Hunyo 2014). "What the Takeover of Mosul Means for ISIS". Carnegie Endowment for International Peace. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Mayo 2020. Nakuha noong 18 Hunyo 2014. {{cite news}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "ISIS on offense in Iraq". Al-Monitor. 10 Hunyo 2014. Nakuha noong 11 Hunyo 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Kelley, Michael B. (20 Agosto 2014). "One Big Question Surrounds The Murder Of US Journalist James Foley By ISIS". Business Insider. Nakuha noong 20 Agosto 2014. ...the de facto ISIS capital of Raqqa, Syria...{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "ISIS 'essentially moved' its Syria HQ from Raqqa to Deir ez-Zor province". RT. 23 Abril 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Syrian army captures Mayadin from ISIS near Deir ez-Zor". Rudaw. 14 Oktubre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Sarah Benhaida; Ahmad al-Rubaye (26 Oktubre 2017). "Iraq forces launch 'last big fight' against IS". Rudaw. {{cite web}}: Unknown parameter |last-author-amp= ignored (|name-list-style= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Francesco Bussoletti (29 Hunyo 2018). "Syria, the Isis pockets of resistance at Deir Ezzor are reduced to two". Difesa & Sicurezza. Nakuha noong 6 Hulyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Rubin, Alissa J. (5 Hulyo 2014). "Militant Leader in Rare Appearance in Iraq". The New York Times. Nakuha noong 6 Hulyo 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "ISIS Spokesman Declares Caliphate, Rebrands Group as Islamic State". SITE Institute. 29 Hunyo 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Hunyo 2014. Nakuha noong 29 Hunyo 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Iraqi al Qaeda wing merges with Syrian counterpart". Reuters. 9 Abril 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-08-20. Nakuha noong 9 Agosto 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)