Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Kaharian ng Netherlands

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Kaharian ng Netherlands (Dutch: Koninkrijk der Nederlanden) malimit na tinutukoy na Netherlands ay isang nakapangyayaring estado, at monarkiyang konstitusyonal na may teritoryo sa kanlurang Europa at sa Caribbean. Ang apat na bahagi ng kaharian — Aruba, Curaçao, Netherlands at Sint Maarten — na tinutukoy na "bansa" (landen sa Dutch), ay lumalahok bilang pantay na magkakatuwang sa kaharian.[1] Subalit sa katunayan, karamihan sa mga pakikipag-ugnayan ng kaharian ay pinangangasiwaan ng Netherlands (na may sakop sa humigit-kumulang 98% ng lawak at populasyon ng kaharian) sa ngalan ng buong kaharian. Samakatuwid, nakasalalay ang Aruba, Curaçao, at Sint Maarten sa Netherlands sa ilang mga bagay gaya ng patakarang panlabas at tanggulan, bagaman mayroon silang takdang antas ng awtonomiya sa kanilang mga parlamento.

Ang malaking bahagi ng bansang bumubuo ng Netherlands (pati na rin ng kaharian) ay matatagpuan sa Europa, maliban sa tatlong espesyal na munisipalidad (Bonaire, Saba, at Sint Eustatius) na matatagpuan sa Caribbean. Ang mga bansang bumubuo ng Aruba, Curaçao, at Sint Maarten ay matatagpuan din sa Caribbean.

Mapa ng Kaharian ng Netherlands. Kasukat ang mga teritoryo.
Tree structure of subdivisions of the Kingdom of the Netherlands, showing the geographic location of its four constituent countries.

Kasalukuyang may apat na bansang bumubuo ang Kaharian ng Netherlands na magkakapantay-pantay: Netherlands, Aruba, Curaçao, at Sint Maarten. Tandaang may pagkakaiba ang Kaharian ng Netherlands at ang Netherlands: ang Kaharian ng Netherlands ay ang kabuuang nakapangyayaring estado, samantala ang Netherlands ay isa lamang sa apat na bansang bumubuo nito. Bawat isa sa tatlo sa anim na pulo ng Dutch Caribbean (Aruba, Curaçao, at Sint Maarten) ay ang mga nalalabing bansang bumubuo; samantala ang natitira pang mga pulo (Bonaire, Sint Eustatius, at Saba) ay bahagi ng bansa ng Netherlands na tinutukoy na Caribbean Netherlands.

Mga Nasasakupang Bansa ng Kaharian ng Netherlands
Bansa Populasyon
(1 Jan 2012)
[note 1]
Bahagdan sa
populasyon ng Kaharian
Lawak
(km²)
Bahagdan sa
lawak ng Kaharian
Pagsisiksikan
(tao/km²)
Source
  Subdibisyon
 Netherlands[note 2] 16,748,205 98.32% 41,854 98.42% 396  
  Netherlands European mainland 16,725,902 98.19% 41,526 97.65% 399 [2]
 Bonaire †‡ 16,541 0.10% 294 0.69% 46 [3]
 Sint Eustatius †‡ 3,791 0.02% 21 0.05% 137 [3]
 Saba †‡ 1,971 0.01% 13 0.03% 134 [3]
 Aruba 103,504 0.61% 193 0.45% 555 [4]
 Curaçao 145,406 0.85% 444 1.04% 320 [5]
 Sint Maarten 37,429 0.22% 34 0.08% 1,101 [6]
 Kaharian ng Netherlands 17,034,544 100.00% 42,525 100.00% 397  
† Bumubuo sa Dutch Caribbean.
‡ Bumubuo sa Caribbean Netherlands.

Pagbabago ng mga bansang bumubuo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Panahon Mga Bansa Pagbabago
1954 – 1975 Nilagdaan ang Saligang-Batas ng Kaharian ng Netherlands
1975 – 1986 Nakamit ng Suriname ang kalayaan at naging  Republika ng Suriname
1986 – 2010 Humiwalay ang Aruba sa Netherlands Antilles upang maging bansang bumubuo
2010 – kasalukuyan Binuwag ang Netherlands Antilles. Ang Caribbean Netherlands ay naging mga espesyal na munisipalidad ng Netherlands, habang ang Curaçao at Sint Maarten become constituent countries.
  1. The population statistics for the Netherlands proper and the Caribbean Netherlands are for 1 January 2012. However, the statistics for Aruba are for 31 December 2011, for Curaçao for 1 January 2011, and for Sint Maarten for 1 January 2010.
  2. The population statistics of the Central Bureau of Statistics for the Netherlands do not include the Caribbean Netherlands (Source 1, 2). The number given here results from adding the population statistics of the Netherlands with those of the Caribbean Netherlands.
  1. The Charter of the Kingdom was fully explained in an "EXPLANATORY MEMORANDUM to the Charter for the Kingdom of the Netherlands", transmitted to the U.N. Secretary-General in compliance with the wishes expressed in General Assembly resolutions 222 (III) and 747 (VIII). New York, 30 March 1955 (* Ministerie van Buitenlandse Zaken, 41, Suriname en de Nederlandse Antillen in de Verenigde Naties III, Staatsdrukkerij-en uitgeversbedrijf/ ’s Gravenhage, 1956)
  2. Central Bureau of Statistics (Netherlands)
  3. 3.0 3.1 3.2 Central Bureau of Statistics (Caribbean Netherlands)
  4. Central Bureau of Statistics Naka-arkibo 2012-11-13 sa Wayback Machine. (Aruba)
  5. Central Bureau of Statistics Naka-arkibo 2012-11-04 sa Wayback Machine. (Curaçao)
  6. Department of Statistics Naka-arkibo 2013-05-11 sa Wayback Machine. (Sint Maarten)