Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Kaharian ng Juda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kaharian ng Judah)
Para sa anak ni Jacob(tinawag na Israel), tingnan ang Juda
Kaharian ng Juda
𐤄‎𐤃‎𐤄‎𐤉‎
c. 922 (Albright) o 931 BCE(Thiele)[1]–c. 587(Albright) o 586(Thiele)BCE
LMLK seal (700–586 BCE) ng Juda
LMLK seal (700–586 BCE)
Mapa ng rehiyon ng Kaharian ng Juda (dilaw) at Kaharian ng Israel (Samaria) (asul) ayon sa Bibliya
Mapa ng rehiyon ng Kaharian ng Juda (dilaw) at Kaharian ng Israel (Samaria) (asul) ayon sa Bibliya
KatayuanKaharian
KabiseraHerusalem
Karaniwang wikaHebreong Biblikal
Relihiyon
Yahwismo/Sinaunang Hudaismo
Relihiyong Cananeo[2]
KatawaganJudaita
PamahalaanMonarkiya
Hari 
• c. 931–913 BCE
Rehoboam (first)
• c. 597–587 BCE
Zedekias (last)
PanahonPanahong Bakal
• Paghihimagsik ni Jeroboam I
c. 922 (Albright) o 931 BCE(Thiele)[1]
• Pagpapatapon sa Babilonya (587 o 586 BCE)
c. 587(Albright) o 586(Thiele)BCE
Pinalitan
Pumalit
Kaharian ng Israel
Imperyong Neo-Babilonya
Yehud (probinsiyang Babilonya)
Bahagi ngayon ng

Ang Kaharian ng Juda o Kahariang Timog (Hebreo: מַמְלֶכֶת יְהוּדָה‎, Mamlekhet Yehuda) ay isang estado na itinatag sa Levant noong panahon ng bakal. Ito ay kadalsang tumutukoy sa "Katimugang Kaharian" upang itangi it mula sa hilagang Kaharian ng Israel (Samaria). Ang Judea ay lumitaw bilang isang estado na malamang na hindi mas maaga sa ika-9 siglo BCE ngunit ito ay paksa ng labis na kontrobersiya sa mga kskolar.[3][4] Noong ika-7 siglo BCE, ang kabisera ng Kaharian na Herusalem ay naging isang siyudad na may populasyon na maraming beses na mas malaki bago nito at may maliwanag na pananaig sa mga kapitbahay nitong bansa na malamang bilang resulta ng kaayusang pakikipagtulungan sa mga Asiryo na nagnais na magtatag ng isang maka-Asiryong estadong basalyo na kumokontrol ng isang mahalagang industriya.[5] Ang Juda ay lumago sa ilalim ng pagkabasalyo ng Assyria sa kabila ng nakapipinsalang paghihimagsik laban sa haring Asiryong si Sennacherib. Ang Imperyong Neo-Asirya ay bumagsak sa magkasanib ng puwersa ng Medes at Imperyong Babilonya noong 609 BCE, Ang kontrol ng Levant kabilang ang Kaharian ng Juda ay napailalim sa Imperyong Neo-Babilonya at sa paghihimagsik ni Jeconias ay ipinatapon ito at mga mamamayan ng Juda sa Lungsod ng Babilonya. Inilagay ng Babilonya si Zedekias na hari ng Kaharian ng Juda. Nang maghimagsik si Zedekias, ang Kaharian ng Juda ay winasak ng mga Babilonyo at ipinatapon sa Lungsod ng Babilonya. Noong 539 BCE, ang Imperyong Neo-Babilonya ay bumagsak sa Persiyanong Imperyong Akemenida at ang mga ipinatapon sa Babilonya na mga taga-Juda kasama ng ibang mga nasakop na bansa ng Persiya ay pinayagang makabalik sa kanilang mga bansa at itayong muli ang lugar ng kanilang mga kulto. Ang Kaharian ng Juda ay naging probinsiya ng mga Persiya bilang Yehud Medinata sa loob ng 203 taon at dito ay napakilala ang mga Hudyo sa mga paniniwalang Zoroastrianismo gaya ng dualismo, monoteismo, demonyo at mga anghel.

Sa kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang pinalawig ni Ashurnasirpal II ang sakop ng Imperyong Neo-Asirya, pinalawig niya ang mga sakop nito hanggang sa Arva, Byblos, Sidon at Tyre kung saan nagpataw siya ng mga tributo sa mga ito. Dahil sa pananakop ng mga Asiryo, ang mga kaharian sa Palestina, Lebanon at Syria ay bumuo ng isang koalisyon nang ang sumunod na haring si Shalmaneser III ay sumakop sa kanluran. Sa Labanan ng Qarqar, hinarap ni Shalamaneser ang koalisyong ito kung saan ayon sa mga rekord na Asirya ay winasak ng mga Asiryo ang mga ito at nagwagi laban sa mga pinuno ng koalisyong ito na binubuo ng 12 hari kabilang ang mga hukbo ng Kaharian ng Israel (Samaria) ng haring si Ahab.

Kuwento ayon sa Bibliya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Bibliya, ang kaharian ng Juda ay nagresulta mula sa paghahati ng Kaharian ng Israel (1020 hanggang sa mga 930 BCE) na nilikha nina David, Saul, at Salomon na unyon ng 12 lipi ng Israel. Matapos na tanggihan ng mga hilagaang lipi ng Israel si Rehoboam na anak ni Solomon, si Rehoboam ay naging hari ng kaharian ng Juda. Sa simula, ang tanging lipi ni Juda ang nanatiling tapat sa bahay ni David ngunit sandaling pagkatapos nito, ang lipi ni Benjamin ay sumali sa Juda. Ang dalawang mga kaharian na Juda sa katimugan at Israel sa hilagaan ay nagkaroon ng hindi madaling pamumuhay sa bawat isa pagkatapos ng pagkakahating ito hanggang sa pagkakawasak ng hilagaang Israel ng mga Asiryo noong c.722/721 BCE na nag-iwan sa Juda bilang natatanging kaharian. Ang pangunahing tema ng salaysay ng Bibliya ang katapatan ng Juda lalo na ng mga hari nito kay Yahweh na diyos ng Israel. Ayon sa Bibliya, ang lahat ng mga hari ng Israel at halos lahat ng mga hari ng Juda ay "masama" na sa termino ng salaysay ng Bibliya ay nangangahulugang ang mga ito ay nabigong tanging sumamba sa diyos na si Yahweh. Sa mga mabuting hari, si Hezekias (727–698 BCE) ay binigyang pansin para sa kanyang mga pagsusumikap na burahin ang pagsamba sa Politeismo sa Kaharian ng Juda gaya ng pagsamba sa mgaa Diyos na sina Baal at Asherah. Sa panahon ng mga sumunod haring sina Manasses ng Juda (698–642 BCE) at Amon ng Juda (642–640 BCE) ay muling nilang binuhay Politeismo at pagsamba sa ibang mga Diyos nagdulot sa poot ni Yahweh sa kaharian ng Juda. Ibinalik muli ng haring Josias (640–609 BCE) ang tanging pagsamba kay Yahweh ngunit ang kanyang mga pagsusumikap ay huli na at ang kawalang katapatan ng Kaharian ng Juda sa tanging pagsamba kay Yahweh ang nagdulot kay Yahweh upang pahintulutan ang pagkakawasak ng kaharian ng Juda ng Imperyong Neo-Babilonya noong c.587/586 BCE.

Mahabang kuwento

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Laban sa pananakop ng mga Asiryo, ang magkaaway na mga kahariang ng Syria at Kaharian ng Israel (Samaria) ay bumuo ng alyansa(2 Hari) 22:1). Bago nito, humingi ng tulong si Ahab sa hari ng Kaharian ng Juda na si Jehoshaphat laban sa Syria(2 Kronika 18:3). Bagaman namatay si Ahab, ipinagpatuloy ni Jehoshaphat ang pakikipagtulugan sa mga hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) na sina Jehoram at Ahazias. Sa sumunod na siglo, naging basalyo ng mga Asiryo ang mga hari ng Israel at Syria. Ang hari ng Israel na si Menahem ay pumayag na maging basalyo ng Asirya. Si Pekah na pinuno ng hukbo ng Israle sumunggab sa trono ni Pekaiah na anak ni Menahem. Tumanggi si Pekah na maging basalyo ng Asirya at kasama ng Syria ay naghimagsik laban sa Asirya. Gayunpaman, alam nilang ang kanilang koalisyon ay walang kakayahan na talunin ang mga Asiryo at sinikap na bumuo ng koalisyon sa ibang mga bansa. Tanging ang hari ng Kaharian ng Juda na si Ahaz ang tumanggi na sumapi sa koalisyong ito. Dahil dito, sinikap nina Pekah at hari ng Syria na si Rezin na palitan si Ahaz at ilagay ang anak ng isang taong nagngangalang Tabeal(Aklat ni Isaias 7:6). Sinalakay ng dalawa ang Kaharian ng Juda(1 Cronica 28, 2 Hari 16:6). Sa takot ni Ahaz, humingi siya ng tulong sa Asirya(2 Hari 16:7-8) at nagbigay ng tributo dito. Ayon sa 2 Hari 16:9, pinatay ng hari ng Asirya si Rezin. Ito ay salungat sa 2 Cronica 28:20-21 na nagsalaysay na hindi tinulungan ng Asirya si Ahaz. Ang Israel ay naging basalyo ng Asirya. Pinatalsik ni ni Tiglath Pileser si Pekah at ipinalit si Hoshea na pumayag na maging basalyo ng Asirya. Pinatay ni Hoshea si Pekah. Pagkatapos mamatay ni Tiglath Pileser, tumanggi si Hoshea na magbigay ng tributo sa Asirya. Kinulong ng sumunod na haring si Shalmaneser V si Hoshea at kinubkob ang Kaharian ng Israel (Samaria). Ipinagpatuloy ng sumunod na haring si Sargon II ang pagsalakay sa Israel at ipinatapon ang mga mamamayan nito noong ca.722 BCE. Sinuportahan ni Paraon Necho II ang humihinang Imperyong Neo-Asirya laban sa lumalakas na Babilonya at Medes. Noong 609 BCE, si Necho II ay nagmartsa sa Syria upang tulungan ang pinuno (tinawag na hari ngunit hindi pinangalanan sa Bibliya) ng Asirya na si Ashur-uballit II. Ayon sa 2 Hari 23, hinarang at pinilit ni Josias na hari ng Kaharian ng Juda na labanan si Neco II sa Megiddo kung saan pinatay ni Necho II si Josias. Ayon sa Tekstong Masoretiko ng 2 Hari 23:39, nilabanan ni Necho II ang hari ng Asirya. Dahil sa kamaliang ito, ito ay binago at ginawang "tinulungan ni Necho II ang hari ng Asirya" sa NIV. Ang mga hukbo ni Necho II at mga hukbo ng Asirya ay tumawid sa Ilog Eufrates upang bawiin ang Harran na itinatag ni Ashur-ubbalit II matapos bumagsak ang Nineveh sa magkasanib na puwersa ng Babilonya at Medes noong 612 BCE. Ang Asirya at Ehipto ay nabigo at umurong sa puwersang Babilonya at Medes na humantong sa pagtatapos ng Imperyong Neo-Asirya. Ayon sa 2 Hari, sa pagbalik ni Necho II sa Ehipto, pinalitan niya ang haring si Jehoahaz na anak ni Josias ng isa pang anak ni Josias na si Jehoiakim. Si Jehiakim ay naging isang basalyo ng Ehipto at nagbibigay ng tributo dito.(2 Hari 23:35). Nang matalo ang Ehipto ng Babilonya sa Labanan ng Carcemish noong 605 BCE, kinubkob ni Nabucodonosor II ang Herusalem na nagtulak kay Jehoiakim na lumipat ng katapatan tungo sa Babilonya at naging basalyo nito sa loob ng 3 taon. Nang mabigo ang mga Babilonyo na muling sakupin ang Ehipto, lumipat si Jehoiakim na katapatan tungo sa Ehipto. Noong 598 BCE, kinubkob ni Nabudonosor ang Herusalem sa loob ng 3 at si Jehoiakim ay tinakilaan upang dalhin ni Nabudonosor II sa Babilonya(2 Kronika 36:6) ngunit namatay at hinalinhan ng kanyang anak na si Jeconias. Pagkatapos ng 3 buwan sa ika-7 ni Nabucodonosor II sa buwan ng Kislev 598 BCE, ipinatapon ni Nabucodonosor si Jeconias at mga mamamayan ng Kaharian ng Juda sa Babilonya at nilagay na kapalit ni Jeconias si Zedekias na maging hari ng Kaharian ng Juda. Si Zedekias ay nag-alsa laban sa Babilonya at nakipag-alyansa sa Paraong si Apries. Dahil dito, kinubkob ni Nabudonosor II ang Juda na tumagal ng 30 buwan at pagkatapos ng 11 taong paghahari ni Zedekias, nagwagi si Nabudonosor II sa pananakop sa Juda kung saan pinatay ni Nabucodonosor II ang mga anak ni Zedekias at si Zedekias ay binulag at tinakilaan at dinala sa Babilonya kung saan siya naging bilanggo hanggang sa kanyang kamatayan(Jeremias 52:10-14). Ang Herusalem at Templo ni Solomon ay winasak ng mga Babilonyo noong ca. 587/586 BCE(Jer 52:13-14).Pagkatapos bumagsak ang hari ng Babilonya na si Nabonidus kay Dakilang Ciro noong ca. 539 BCE, pinabalik niya ang mga taga-Juda sa Herusalem at pinayagan ang mga ito na muling itayo ang templo ni Solomon noong 516 BCE. Ang Juda ay naging probinsiya ng Imperyong Persiya bilang Yehud Medinata. Ayon sa mga iskolar, dito napakilala at naimpluwensiyahan ng mga Persiyano at relhiiyong Zoroastrianismo ang mga Hudyo sa kanilang mga paniniwalang gaya ng mga anghel, demonyo, dualismo at mesiyas at tagapagligtas(Saoshyant).

Sa unang animnapung mga taon, ang mga hari ng Juda ay sumubok na muling itatag ang kanilang autoridad sa hilagang kaharian ng Kaharian ng Israel (Samaria) at may patuloy na digmaan sa pagitan ng dalawang kahariang ito. Ang Israel(Kahariang Hilaga) at Juda (o Kahariang Timog) ay nasa estado ng digmaan sa buong 17 taong paghahari ni Rehoboam. Si Rehoboam ay nagtayo ng komplikadong mga pagtatangol at muog kasama ng mga pinagtibay na siyudad. Sa ika-5 taon ng paghahari ni Rehoboam, ang Paraon ng Sinaunang Ehiptong si Shishaq ay nagdala ng isang malaking hukbo at sinakop ang maraming mga siyudad. Nang salakayin ng Ehipto ang Herusalem, ibinigay ni Rehoboam ang lahat ng mga kayaman ng Templo ni Solomon bilang regalo at ang Juda ay naging isang estadong basalyo ng Ehipto. Ipinagpatuloy ni Abijah na anak at kahalili ni Rehoboam ang mga pagsusumikap ng kanyang ama na dalhin ang Israel sa kanyang kontrol. Siya ay naglunsad ng isang malaking labanan laban kay Jeroboam ng Israel at nagwagi nang may mabigat na pagkawala ng buhay sa panig ng Israel. Tinalo ni Abijah at ng kanyang mga tao ang mga ito nang may dakilang pagpaslang upang 500,000 mga piniling lalake ng Israel ay napaslang [6]. Pagkatapos nito, si Jeroboam ay nagdulot ng kaunting banta sa Juda sa natitira ng kanyang paghahari at ang hangganan ng lipi ni Benjamin ay naipanumbalik sa orihinal na hanggang pang-lipi.[7]

Nagpanatili ng kapayapaan ang anak at kahalili ni Abijah na si Asa ng Judah sa unang 35 taon ng kanyang paghahari[8] kung saan kanyang muling itinayo at ipinatupad ang mga muog na orihinal na ipinatayo ng kanyang lolong si Rehoboam. Sa pananakop na sinuportahan ng Ehipto, ang Etiopianong hepeng si Zerah at ng milyong mga lalake nito at 300 kabalyero ay natalo ng 580,000 mga lalake ni Asa sa lambak ng Zephath malapit sa Mareshah.[9] Hindi tinutukoy ng Bibliya kung si Zerah ay isang faraon ay isang heneral ng hukbo. Ang mga Etiopiano ay hinaboy hanggang sa Gerar sa baybaying kapatagan kung saan ang mga ito ay huminto dahil sa buong kapaguran. Ang nagresultang kapayapaan ang nagpanatili sa Juda na malaya mula sa mga panghihimasok ng Ehitpo hanggang sa panahon ni Josias mga ilang siglong pagkatapos nito. Sa kanyang ika-36 na paghahari, si Asa ay kinumpronta ni Baasha ng Israel,[8] na nagtayo ng isang muog sa Ramah sa hangganan ng hindi lalagpas ang 10 milya mula sa Herusalem. Ang resulta ay ang kabisera ay nasa ilalim ng pamimilit at ang sitwasyon ay hindi matatag. Kumuha si Asa ng ginto at pilak mula sa Templo ni Solomon at kanya itong ipinadala kay Ben-Hadad I na hari ng Aram-Damasco kapalit ng pagkakanseala ng kasunduang kapayapaan ng haring Damascene kay Baasha. Inatake ni Ben-Hadad ang Ijon, Dan, at marami pang mga mahalagang siyudad ng lipi ng Naphthali at si Baasha ay pwersang umurong mula sa Ramah.[10] Binuwag ni Asa ang mga hindi pa tapos na muog at ginamit nito ang mga hilaw na materyal upang pagtibayin ang Geba at Mizpah sa kanyang panig ng hangganan.[11]

Pinalitan ng kahalili ni Asa na si Jehoshaphat ang patakaran tungo sa Israel at bagkus ay nagpursigi ng mga kasunduan at pakikipagtulugan sa hilagaang kaharian ng Israel. Ang alyansa kay Ahab ay batay sa kasal. Ang alyansang ito ay tumungo sa kapahamakan para sa kaharaian sa Labanan ng Ramoth Gilead.[12] Pagkatapos nito, siya ay nakipagkasunduan kay Ahaziah ng Israel sa layunin ng pagpapatuloy ng kalakalang pandagat sa Ophira. Gayunpaman, ang armada na binigyan ng kasangkapan sa Ezion Gever ay mabilis na nawasak. Ang isang bagong armada ay itinayo nang walang tulong ng hari ng Israel at bagaman ito ay matagumpay, ang kalakalan ay hindi isinakdal.[13] Kalaunan ay sumali ito kay Jehoram ng Israel sa isang digmaan laban sa mga Moabita na nasa ilalim ng tributo sa Israel. Ang digmaang ito ay matagumpay kung saan ang mga Moabita ay nasupil. Gayunpaman, sa pagkita ng akto ni Mesha ng paghahandog ng kanyang sariling anak sa isang paghahandog ng tao sa mga dingding ng Kir-haresheth ay nagpuno kay Jehoshaphat ng takot at ito ay umurong at bumalik sa sarili nitong lupain.[14]

Ang kahalili ni Jehoshaphat na si Jehoram ng Juda ay bumuo ng alyansa sa Israel sa pamamagitan ng pagpapaksal kay Athaliah na anak ni Ahab. Sa kabila ng alyansang ito sa mas malakas na hilagaang kaharian, ang pamumuno ni Jehoram ay hindi matatag. Ang Edom ay naghimagsik at napilitang kilalanin ang kanilang independiyensiya. Ang pananalakay ng mga filisteo at Etiopiano ang nagnakaw ng bahay ng hari at tinangay ang pamilya nito maliban sa pinakabata nitong anak na lalakeng si Ahaziah ng Judah.

Bukod sa pagsaksi ng pagkawasak ng Israel at pagkakatapon ng populasyon nito, si Ahaz at kapwa hari nitong si Hezekias ay mga basalyo ng Imperyong Neo-Asirya at pinwersang magbigay ng taunang tributo. Matapos na maging pinuno si Hezekias noong c. 715 BCE, kanyang muling nabihag ang nasakop na lupain ng Mga Filisteo at bumuo ng mga alyansa sa Ashkelon at Sinaunang Ehipto at sumalungat sa Asirya sa pamamagitan ng pagbabayad ng tributo.[15] (Isaiah 30–31; 36:6-9) Bilang tugon, sinalakay ng haring Asiryong si Sennacherib ang mga siyudad ng Juda (2 Kings 18:13). Si Hezekias ay nagbayad ng 300 mga talento ng pilak at 30 talento ng ginto sa Asirya — na nangailangan sa kanyang ubusin ang templo at kayamanang pang haring pilak at ginto mula sa mga poste ng pinto ng Templo ni Solomon(2 Kings 18:14–16)[15]. Gayunpaman, sinalakay ni Sennacherib ang Herusalem[16] (2 Kings 18:17) noong 701 BCE at nagtayo ng mga bangko sa Herusalem at pinatahimik si Hezekias "tulad ng isang nakahawalang ibon" bagaman ang siyudad ay hindi kailanman nakuha. Sa panahon ng mahabang pamumuno ni Manasses ng Juda, (c. 687/686 - 643/642 BCE),[17] ang Juda ay isang basalyo ng mga pinunong Asiryo na sina Sennacherib at mga kahalili nitong sina Esarhaddon[18] at Ashurbanipal pagkatapos ng 669 BCE. Si Manasseh ay itinala bilang nangangailangang magbigay ng mga materyal para sa mga proyektong pang gusali ni Essarhaddon at bilang isa sa mga basalyo na tumulong sa kampanya ni Ashurbanipal laban sa Ehipto.[18]

Nang maging hari si Josias noong Juda noong c. 641/640 BCE,[17] ang sitwasyon sa Sinaunang Malapit na Silangan ay palaging nagbabago. Ang Imperyong Neo-Asirya ay nagsisimulang humina, ang imperyong Neo-Babilonya ay hindi pa umaakyat upang palitan ito at ang Ehipto sa kanluran ay nagpapagaling pa rin sa pamumuno ng Asirya. Sa panahong ito, nagawa ng Juda na pamahalaan ang sarili nito sa puntong ito nang walang panghihimasok ng dayuhan. Gayunpaman, sa tagsibol nang 609 BCE, ang Paraon na si Necho II ay personal na namuno sa isang malaking hukbo hanggang sa Ilog Eufrates upang tulungan ang mga huminang Asiryo.[19][20] Sa pagkuha ng rutang baybaying Via Maris tungo sa Syria, dumaan si Necho sa mamabang mga trakto ng Philistia at Sharon. Gayunpaman, ang daan sa ibabaw ng tagaytay ng mga kabundukan na nagsasara sa timog ng dakilang lambak Jezreel ay hinarang ng hukbong ng Juda na ni Josias na maaring tumuring sa mga Asiryo at Ehipsiyo na humina dahil sa kamatayan ng Paraon na si Psamtik I isang taon lamang ng mas maaga(610 BCE).[20] Sa pagpapalagay na pagtatangka na tulungan ang mga Asiryo laban sa Imperyong Neo-Babilonya, tinangka ni Josias na harangin ang pagsulong ng hukbo ni Necho II sa Megiddo kung saan ang isang mabangis na labanan ay nangyari at kung saan si Josias ay pinatay ni Necho II.[21] Pagkatapos nito ay sumali si Necho sa mga pwersa ng Asiryong si Ashur-uballit II at pareho nilang tinawid ang Eufrates at tinangkang bawiin ang Harran na naging kabisera ng Imperyong Neo-Asirya matapos bumagsak ang kabisera nitong Nineveh sa mga Babilonyo at Medes noong 612 BCE. Ang pinagsamang mga pwersa ay nabigo na mabihag ang siyudad at si Necho ay umurong pabalik sa hilagaang Syria. Ang pangyayaring ito ay nagmarka rin sa pagbagsak ng Imperyong Neo-Asirya.. Sa kanyang martsang pagbabalik sa Ehipto noong 608 BCE, nalaman ni Necho na si Jehoahaz ng Judah ay napili na humalili sa kanyang amang si Josias.[22]Pinatalsik ni Necho si Jehoahaz na hari sa loob pa lamang ng 3 buwan at siya ay pinalitan ni Necho ng kanyang mas nakatatandang kapatid na si Jehoiakim. Nagpatupad si Necho ng tributo sa Juda ng 100 talentong mga pilak (mga 3¾ tonelada o mga 3.4 metrikong tonelada) at isang talento ng ginto (mga 34 kilogram (75 lb)). Pagkatapos nito ay muling dinala ni Necho si Jehoahaz pabalik sa Ehipto bilang bilanggo[23] na hindi na kailanman nagbalik. Si Jehoiakim ay orihinal na namuno bilang isang basalyo ng mga Ehipsiyo na nagbabayad ng isang mabigat na tributo. Gayunpaman, nang ang mga Ehipsiyo ay natalo ng mga Babilonyo sa Labanan ng Carcemish noong 605 BCE, si Jehoiakim ay nagpalit ng mga katapatan na nagbayad ng tributo kay Nabucodonosor II ng Imperyong Neo-Babilonya.. Noong 601 BCE sa kanyang ika-4 na paghahari, hindi matagumpay na nagtangka si Nebucodonozor na sakupin ang Ehipto at umurong nang may mabigat na pagkamatay ng mga tauhan. Ang pagkabigong ito ay nagtulak sa maraming mga paghihimagsik sa mga estado ng Levant na may utang ng katapatan sa Imperyong Neo-Babilonya. Si Jehoiakim ay huminto rin sa pagbabayad ng tributo kay Nabucodonosor II [24] at kumuha ng isang posisyong maka-Ehipsiyo. Sa sandali nito ay sinupil ni Nabucodonosor II ang mga paghihimagsik. Si Jehoiakim ay namatay noong 598 BCE[25] sa panahon ng pagsalakay at sinundan ng kanyang anak na si Jeconias sa edad na walo o labingwalo.[26] Ang siyudad ay bumagsak mga tatlong buwan pagkatapos nito,[27][28] noong 2 Adar (Maso 16) 597 BCE. Ninakawan ni Nebuchadnezzar ang parehong Herusalem at ang Templo at dinala ang kanyang mga nakuha sa Lungsod ng Babilonya . Si Jeconiah at ang kanyang korte at iba pang mga kilalang mamamayan at trabahador kasama ng malaking bahagi ng populasyong Hudyo sa Juda na mga 10,000[29] ay pinatapon mula sa lupain at nabihag sa Lungsod ng Babilonya (2 Kings 24:14) Kasama sa mga ito si Ezekiel. Hinirang ni Nabucodonosor II si Zedekias na kapatid ni Jehoiakim na hari ng lumiit na kaharian na ginawang tributaryo ng Imperyong Neo-Babilonya.

Sa kabila ng malakas na pagtutol nina Jeremias at iba pa, si Zedekias ay naghimagsik laban kay Nabucodonosor na huminto sa pagbabayad ng tributo dito at pumasok sa isang alyansa kay Paraon Hophra ng Ehipto. Noong 589 BCE, si Nabucodonosor II ay bumalik sa Juda at muling sinalakay ang Herusalem. Sa panahong ito, maraming mga Hudyo ang tumakas sa mga katabing Moab, Ammon, Edom at iba pang mga bansa upang maghanap ng mapagtataguan.[30] Ang siyudad ng Herusalem ay bumagsak pagkatapos ng 18 buwang pananalakay at muling ninakawan ni Nabucodonosor ang parehong Herusalem at ang Templo ni Solomon [31] at pagkatapos ay pareho itong winasak[32] Pagkatapos patayin ang lahat ng mga anak na lalake ni Zedekias, tinakilaan ni Nabucodonosor at binihag si Zedekias sa Lungsod ng Babilonya [33] na nagwawakas sa pag-iral ng Kaharian ng Juda. Sa karagdagan ng mga namatay sa pananakop sa mahabang panahon, ang ilang mga 4,600 Hudyo ay ipinatapon pagkatapos ng pagbagsak ng Juda.[34] Noong mga 586 BCE, ang Kaharian ng Juda ay nawasak at ang dating kaharian ay dumanas ng mabilis na pagguho sa parehong ekonomiya at populasyon.[35]

Maliwanag na ang Herusalem ay nanatiling hindi tinatahan sa halos lahat ng ika-6 siglo BCE [35] at ang pinakamahalagang siyudad ay nalipat sa Benjamin na isang hindi napinsalang hilagaang seksiyon ng kaharian kung saan ang bayan ng Mizpah ay naging kabisera ng bagong probinsiyang Babilonyo na Yehud para sa mga natitirang populasyong Hudyo sa isang bahagi ng dating kaharian.[36] Ito ang pamantayang pagsasanay Babilonia: nang ang siyudad na filisteong Ashkalon ay sinakop noong 604 BCE, ang pampolitika, relihiyoso at ekonomikong elitista(ngunit hindi ang malaking bahagi ng populason) ay ipinatapon at ang sentrong administratibo ay inilipat sa bagong lokasyon.[37][38]

Si Gedaliah ay hinirang na gobernador na suportado ng isang bantay na Kaldea. Ang sentrong administratibo ng probinsiya ang Mizpah,[39] at hindi ang Herusalem. Sa pagkakarinig ng pagkakahirang na ito, ang mga Hudyo na nagtago sa mga kalapit na bansa ay bumalik sa Juda. (Jeremiah 40:11–12) Gayunpaman, sa sandaling pagkatapos nito, si Gedaliah ay pinaslang ng isang kasapi ng bahay ng hari at ang mga sundalong Kaldeo ay pinatay. Ang populasyon na natira sa lupa at ang mga bumalik ay tumakas sa Ehitpo dahil sa takot sa paghihiganti ng Persiya sa ilalim ni Johanan na anak ni Kareah na hindi pinansin ang paghimok ni Jeremias laban sa pagkilos na ito.(2 Kings 25:26, Jeremiah 43:5–7) Sa Ehipto ang mga takas ay tumira sa Migdol, Tahpanhes, Noph, at Pathros, (Jeremiah 44:1) at si Jeremias ay sumama sa kanilang bilang guwardiyang moral.

Ang bilang ng mga ipinatapon sa Lungsod ng Babilonya at ang mga tumungo sa Ehipto at mga natira sa lupain at kalapit na bansa ay paksa pa rin ng debateng akademiko. Ang Aklat ni Jeremias ay nagsalaysay na ang kabuuan ng mga ipinatapon sa Lungsod ng Babilonya ay 4,600 tao.[34] Ang Mga Aklat ng mga Hari ay nagmungkahing 10,000 tao at pagktapos ay 8,000 tao. Ang arkeologong Israeli na si Israel Finkelstein ay nagmungkahing ang 4,600 ay kumakatawan sa mga hulo ng sambahayan at 8,000 ang kabuuan samantalang ang 10,000 ay isang pagpapaikot ng bilang pataas ng ikalawang bilang. Nagpahiwatig rin si Jeremias na ang katumbas na bilang ay maaaring tumakas sa Ehipto. Sa mga ibinigay na pigurang ito, si Finkelstein ay nagmungkahing ang 3/4 ng populasyon ay natira.

Noong 539 BCE, sinakop ng Persiyanong Imperyong Akemenida ang Imperyong Neo-Babilonya at pinayagan nito ang mga ipinatapong Hudyo sa Babilonya na bumali sa Herusalem at muling itayo ang kanilang templo na nakumpleto sa ika-6 taon ni Dario ayon (Ezra 6:15) sa ilalim ni Zerubbabel na apo ng ikalawa sa huling haring si Jeconias. Ang probinsiyang Yehud Medinata ay isang mapayapang bahagi ng Imperyong Akemenida hanggang sa pagbagsak ng imperyong ito noong 333 BCE kay Dakilang Alejandro ng Kaharian ng Macedonia. Ang yugto ng pamumunong Persiyano pagkatapos ng pagtatayo ng Ikalawang Templo bagaman tinulungan ng mga hari nito at nagpahintulot sa Hudaismo, ito ay itinuturing na Panahong Madilim ng Hudyo(Jewish dark age) dahil walang kakontemporaryong(parehong panahon) na materyal historiko para sa yugtong ito. Ang Panahong Madilim ng Hudyo ay nagwakas noong 164 BCE nang ang mga Macabeo ay naghimagsik laban sa imperyong Seleucid at nagtagumpay sa muling pagtatag ng independiyenteng kahariang Hudyo sa lupain ng Israel.

Ayon sa 1 Hari 14:21, si Rehoboam ay naghari ng 17 taon at si Abijam nang 3 taon(1 Hari 15:2) sa kabuuang 20 taon kaya si Asa ay dapat naghari noong ika-21 toan ni Jeroboam at hindi ika-20 taon ayon sa 1 Hari 15:9. Si Asa ay naghari nang 41 taon at ang kanyang kahalili na si Jehoshaphat ay dapat magsimulang maghari noong ika-12 taon ni Omri na 2 taon kasama ni Jeroboam, 2 taon kasama ni Nadab, 24 kay Baasha at 11 taon kay Omri na kabuuang 41 taon ngunit siya ay naghari sa ika-4 na taon ni Ahab(2 Hari 22:41) na mas marami nang 4 na taon. Si Jehoram ay humalili at si Jehoshaphat ay naghari nang 25 taon(2 Hari 22:42) sa ika-1 taon ni Jehoram ngunit ayon sa 2 Hari 8:16 ay naghari noong ika-5 taon ni Jehoram ng Israel. Si Jehoram ay naghari nang walong taon (2 Hari 8:16) at kaya ay si Ahazias ay dapat maghari noong ika-19 taon ni Jehoram at hindi ika-12 taon ni Jehoram(2 Hari 8:25) o ika-11 taon ni Jehoram(2 Hari 9:29). Si Jehoash ay dapat maghari sa ika-4 na taon ni Jehu dahil si Ahazias ay naghari nang 1 taon(2 Hari 12:1) at si Athaliah ay naghari nang 6 na taon (2 Hari 11:3) ngunit siya ay naghari sa ika-7 taon ni Jehu(2 Hari 12:1). Si Amazias ay dapat maghari sa ika-16 taon ni Jehoahaz dahil si Jehoash ay naghari nang 40 taon(2 Hari 12:1) ngunit nagsimula sa ika-2 ni Jehoash(2 Hari 14:1). Si Azarias ay dapat maghari sa ika-12 taon ni Jeroboam II dahil si Amazias ay naghari nang 29 taon(2 Hari 14:2) ngunit naghari sa ika-27 taon ni Jeroboam(2 Hari 15:1). Si Jotham ay dapat maghari sa ika-64 taon ni Jeroboam II ay naghari sa ika-2 taon ni Pekah(2 Hari 15:32) dahil si Azarias ay naghari nang 16 taon(2 Hari 15:33). Kung si Jeroboam II ay naghari sa ika-15 ni Amaziah (2 Hari 14:23) na naghari ng 29 taon, si Uzziah ay naging hari sa ika-15 taon ni Jeroboam at hindi sa ika-27 ni Jeroboam (2 Hari 15:1). Si Ahaz ay dapat maghari sa ika-2 taon ni Pekah dahil si Jotham ay naghari nang 16 taon at naghari sa ika-17 taon ni Pekah(2 Hari 16:1). Kung si Jotham ay naghari ng 16 taon (2 Hari 15:33), hindi posibleng si Hoshea ay naging hari sa ika-20 taon ni Jotham (2 Hari 15:30).Kung si Menahem ay naging hari sa ika-39 taon ni Uzziah(2 Hari 15:17), at ang anak ni Menahem na si Pekaiah ay naging hari sa ika-50 taon ni Uzziah, si Menahem ay dapat naghari nang 12 taon at hindi 10 taon (2 Hari 15:17). Kung si Ahaz ay naging hari sa ika-17 taon ni Pekah(2 Hari 16:1) na naghari nang 20 taon(2 Hari 15:27) at si Hezekias ay naging hari sa ika-3 taon ni Hoshea (2 Hari 18:1), si Ahaz ay dapat naghari nang pitong tain at hindi 16 taon (2 Hari 16:2). Si Hezekias ay dapat magsimula sa ika-18 taon ni Pekah dahil si Ahab ay naghari nang 16 taon(2 Hari 16:2) at naghari sa ika-3 taon ni Hoshea(2 Hari 18:1). Ayon sa Hari 17:1, si Hoshea na anak ni Elah ay naging hari ng Israel sa ika-22 taon ni Ahaz ng Juda at si Hoshea ay naghar nang 9 na taon. Ayon naman sa 2 Hari 18:1,9-10, si Hezekias ay naging hari sa ika-3 taon ni Hoshea. Si Ahazias ay naghari nang siya ay 22 taong gulang ayon sa 2 Hari 8:26 ay naghari sa edad na 42 taon ayon sa 2 Kronika 22:2 na mas matanda nang 2 taon sa kanyang ama. Si Jehoram ay namatay sa edad na 40 taon(2 Kronika 21:5) at ang kanyang anak na humalili sa kanya ay may edad na 42 taon. Si Athaliah ay apo o anak ni Omri at anak ni Ahab (2 Hari 9:20). Kung si Jehoash ay naging hari sa ika-7 taon ni Jehu, at si Jehoahaz na anak ni Jehu ay naging hari sa ika-23 taon ni Jehoash (2 Hari 13:1), si Jehu ay dapat naghari nang 30 taon at hindi 28 taon (2Hari 10:36). Pinapatay ni Jehu ang lahat ng sambahayan ni Ahab kabilang sina Ahazias at lahat ng mga kasapi ng sambahayan ni Ahazias.(2 Hari 9, 2 Kronika 22:7-9, Hosea 1:4) Ayon sa 2 Hari 11:2 at 2 Kronika 22:10, pinapatay ni Athalia(naghari noong ca. 842-837 BCE o 842/841-835) ang lahat ng mga kasapi ng kaharian ng Juda upang siya ang maging reyna. Pagkatapos ng 6 na taon, ang saserdote ng paksiyong maka-Yahweh na si Jehoiada ay nagpakilala ng isang batang lalake na si Jehoash ng Juda na kanyang inangking isa sa mga kasapi ng sambahayang hari ng Juda at pinatay ni Jehoiada si Athalia. Kung si Jehoash ay naging hari sa ika-37 ni Jehoash at si Amaziah na anak ni Jehoash ng Juda ay naging hari sa ika-2 taon ni Jehoash ng Israel(2Hari 14:1), si Jehoash ay dapat naghari ng 38 taon at hindi 40 taon(2 Hari 12:2). Kung si Pekah ay naging hari sa ika-52 taon ni Uzziah(2 Hari 15:27) at si Jotham ay naging hari sa ika-2 taon ni Pekah(2 Hari 15:32), si Uzziah ay dapat naghari nang 53 taon at hindi 52 raon (2 Hari 15:2), Si Jehoash ng Israel ay dapat namatay sa ika-13 taon ni Ahazias na naghari ng 49 taon(2 Hari 14:2) at 3 taon sa paghahari ni Jehoash na naghari nang 40 taon(2 Hari 12:1) at dapat ay naghari ng 16 taon pagkatapos ng kamatayan ni Jehoash ng Juda ngunit ayon sa 2 Hari 14:17 at 2 Kronika 25:26 ay naghari nang 15 taon.Si Hoshea na huling hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) ay naghari sa ika-12 taon ni Ahaz(2 Hari 17:1) na sa ika-20 taon ni Jotham ngunit ayon sa Bibliya ay ika-4 na taon ni Ahaz. Tinangka ni Carpente na pagkasunduin ang magkasalungat na mga teksto sa pagsasabing mula sa ika-4 na taon ni Ahaz hanggang sa ika-12 taon, si Hoshea ay soberanya samantalang sa ika-12 taon ay nagpailalim sa Asirya. Inangkin ni Tiglath Pileser III na ginawa niyang hari si Hoshea ngunit nagbibigay ng tributo. Ayon sa 2 Hari 17:1, si Hoshea ang hari ng Israel at naghari nang siyam na taon. Ayon naman sa 2 Hari 18:1, si Hezekias ay naghari sa ika-3 ni Hoshea. Si Pekah ay naghari sa ika-52 taon ni Azarias(2 Hari 17:7) na kanyang huling taon (2 Hari 15:2) at naghari ng 20 taon. Humalili si Jotham kay Azarias at naghari ng 16 taon (2 Hari 15:33) at kaya ay si Ahaz ay na naghari nang 9 na taon(2 Hari 18:1) ay dapat maghari sa ika-12 taon ni Ahaz. Salungat dito, sa kronolohiya ng mga hari ng Kaharian ng Israel (Samaria), si Hoshea ay hindi naghari sa ika-12 taon ni Ahaz ngunit sa ika-4 taon ni Hezekias.

Kaunting ebidensiyang arkeolohiyang ng isang malawak at makapangyarihang Kaharian ng Juda bago ang huli nang ika-8 siglo BCE ang natagpuan na nagtulak sa ilang mga arkeologo na pagdudahan ang sakop nito gaya ng inilalarawan sa Bibliya. Mula 1990 hanggang sa kasalukuyan, ang isang mahalagang pangkat ng mga arkeologo at iskolar ng bibliya ay bumuo ng pananaw na ang aktuwal na Kaharian ng Juda ay may kaunting pagkakatulad sa larawan ng bibliya ng isang makapangyarihang kaharian.[40] Ayon sa mga skolar na ito, ang kaharian ay hindi higit sa isang maliit na entidad na pang tribo. Ang ilan ay nagdududa kung ang kahariang ito gaya ng binabanggit sa bibliya ay umiral. Si Yosef Garfinkel [41][42] ay nag-aangking ang Khirbet Qeiyafa ay sumusuporta sa nosyon ng isang lipunang urbano na umiral na sa Juda sa huli ng ika-11 siglo BCE.[43] Gayunpaman, ang ibang mga arkeologo ay nagsasabing ang identipikasyon ng Khirbet Qeiyafa bilang tirahang Hudyo ay hindi matiyak.[44][45] Ayon sa 2 Hari 18:13-16, si Hezekias ay sumuko kay Sennacherib na sumalakay sa Juda (2 Hari 18:13). Ayon naman sa 2 Hari 19-19 at Aklat ni Isaias 37, si Hezekias ay hindi nakinig sa banta ng pagsalakay ni Sennacherib at ang hukbo ni Sennacherib ay pinatay ni Yahweh at si Sennacherib ay bumalik sa kanyang bansa (2 Hari 19:35). Ayon sa mga Annal ni Sennacherib, si Hezekias ay hindi sumuko at binihag ang mga lungsod ni Hezekias at nagwagi laban kay Hezekias. Salungat sa salaysay ng mga Asiryo na nagtayo ng mga bangko si Sennacherib sa Herusalem, isinaad sa 2 Hari 19:32-34 na "Hindi niya ito malulusob na may kalasag ni magtatayo ng mga bangko laban dito". Ayon sa Tekstong Masoretiko ng 2 Hari 23:29 sa panahon ni Josias, si paraon Necho II na hari sa Egipto ay umahon laban sa hari ng Asirya, sa ilog Eufrates: at ang haring Josias ay naparoon laban sa kaniya; at pinatay ni Necho II si Josias sa Megiddo, nang makita niya siya.(2 Kings 23:29, ASV). Ito ay salungat sa rekord ng Babilonya na tinangka ni Necho II na suportahan ang Asirya laban sa Babilonya, upang ilagay ang panggitnang estado sa pagitan ng Ehipto at Babilonya at upang makontrol ng Ehipto ang rehiyong Siro-Palestina. Ang 2 Hari 23:39 ay binago sa NIV at ginawang, "si Necho II ay tumungo sa ilog Eufrates upang tulungan ang hari ng Asirya (2 Kings 23:29)(NIV).

Mga hari ng Juda

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Rehoboam(ca. 922-915 BCE ayon kay Albright, 931-913 BCE ayon kay Thiele)
  • Abijah(ca. 915-913 BCE ayon kay Albright, 913-911 BCE ayon kay Thiele)
  • Asa ng Juda(ca. 913-873 BCE ayon kay Albright, 911-870 BCE ayon kay Thiele)
  • Jehoshaphat(ca. 873-849 BCE ayon kay Albright, 870-848 BCE ayon kay Thiele)
  • Jehoram ng Juda(ca. 849-842 BCE ayon kay Albrigth, 848-841 BCE ayon kay Thiele)
  • Ahazias ng Juda(ca.842-842 BCE ayon kay Albbright, 841-841 BCE ayon kay Thiele)
  • Ataliah(ca. 842-837 BCE ayon kay Albright, 841-835 BCE ayon kay Thiele)
  • Jehoash ng Juda(ca. 837-830 BCE ayon kay Albright, 835-796 BCE ayon kay Thiele)
  • Amaziah(ca. 800-783 BCE ayon kay Albright, 796-767 BCE ayon kay Thiele)
  • Uzziah(ca. 783-742 BCE ayon kay Albright, 767-740 BCE ayon kay Thiele)
  • Jotham(ca. 742-735 BCE ayon kay Albright, 740-732 BCE ayon kay Thiele)
  • Ahaz(ca. 735-715 BCE ayon kay Albright, 732-716 BCE ayon kay Thiele)
  • Hezekias(ca. 715-687 BCE ayon kay Albright, 716-687 BCE ayon kay Thiele, 726-697 BCE ayon kay Galil)
  • Manasseh(ca. 687-642 BCE ayon kay Albright, 687-643 BCE ayon kay Thiele, 687-642 BCE ayon kay Galil)
  • Amon ng Juda(ca. 642-640 BCE ayon kay Albright, 643-641 BCE ayon kay Thiele)
  • Josias(ca. 640-609 BCE ayon kay Albright, 641-609 BCE ayon kay Thiele)
  • Jehoahaz ng Juda(ca. 609 BCE ayon kay Albright)
  • Jehoiakim(ca. 609-598 BCE ayon kay Albright at Thiele)
  • Jeconias(ca. 598 BCE ayon kay Albright at Thiele)
  • Zedekias(ca. 597-587 BCE ayon kay Albright, 597-586 BCE ayon kay Thiele, kaharian ng Juda ay nawasak noong 587/586 BCE)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pioske, Daniel (2015). "4: David's Jerusalem: The Early 10th Century BCE Part I: An Agrarian Community". David's Jerusalem: Between Memory and History. Routledge Studies in Religion. Bol. 45. Routledge. p. 180. ISBN 9781317548911. Nakuha noong 2016-09-17. [...] the reading of bytdwd as "House of David" has been challenged by those unconvinced of the inscription's allusion to an eponymous David or the kingdom of Judah.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Finkelstein, Israel; Silberman, Neil Asher (2001). The Bible Unearthed: Archaeology's New Vision of Ancient Israel and the Origin of Sacred Texts. The Free Press. pp. 240–243. ISBN 978-0743223386.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Grabbe 2008, pp. 225–6.
  4. Lehman in Vaughn 1992, p. 149.
  5. Thompson 1992, pp. 410–1.
  6. 2 Chronicles 13:17
  7. 2 Chronicles 13:20
  8. 8.0 8.1 2 Chronicles 16:1
  9. 2 Chronicles 14:9–15
  10. 2 Chronicles 16:2–6
  11. 2 Chronicles 16:1–7
  12. 1 Kings 22:1–33
  13. 2 20:35–37 HE*; 1 Kings 22:48–49
  14. 2 Kings 3:4–27
  15. 15.0 15.1 Peter J. Leithart, 1 & 2 Kings, Brazos Theological Commentary on the Bible, p255-256, Baker Publishing Group, Grand Rapids, MI (2006)
  16. James B. Pritchard, ed., Ancient Near Eastern Texts Related to the Old Testament (Princeton, NJ: Princeton University Press, 1965) 287-288.
  17. 17.0 17.1 Edwin Thiele, The Mysterious Numbers of the Hebrew Kings, (1st ed.; New York: Macmillan, 1951; 2d ed.; Grand Rapids: Eerdmans, 1965; 3rd ed.; Grand Rapids: Zondervan/Kregel, 1983). ISBN 0-8254-3825-X, 9780825438257
  18. 18.0 18.1 A History of Israel, John Bright, p. 311, (1980)
  19. [1]
  20. 20.0 20.1 [2]
  21. 2 Kings 23:29, 2 Chronicles 35:20–24
  22. 2 Kings 23:31
  23. 2 Chronicles 36:1–4
  24. [3] The Divided Monarchy ca. 931 - 586 BC
  25. Dan Cohn-Sherbok, The Hebrew Bible, Continuum International, 1996, page x. ISBN 0-304-33703-X
  26. [4] Bible Studies website
  27. Philip J. King, Jeremiah: An Archaeological Companion (Westminster John Knox Press, 1993), page 23.
  28. 2 Chronicles 36:9
  29. The Oxford History of the Biblical World, ed. by Michael D Coogan. Pub. by Oxford University Press, 1999. pg 350
  30. Jeremiah 40:11–12
  31. Ezra 5:14
  32. Jeremiah 52:10–13
  33. Jeremiah 52:10–11
  34. 34.0 34.1 Jeremiah 52:29–30
  35. 35.0 35.1 Grabbe, Lester L. "A History of the Jews and Judaism in the Second Temple Period" (T&T Clark, 2004) p.28
  36. "Davies, Philip R., "The Origin of Biblical Israel", Journal of Hebrew Scriptures (art. 47, vol9, 2009)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-28. Nakuha noong 2012-07-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. my location, By Asaf Shtull-Trauring (Haaretz, 6.10.2012)
  38. Lipschitz, Oded, "The Fall and Rise of Jerusalem" (Eisenbrauns, 2005) p.48
  39. 2 Kings 25:22–24, Jeremiah 40:6–8
  40. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-11-03. Nakuha noong 2012-07-11.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "Are these ruins of biblical City of David? (CNN, 14 Hulyo 2011)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-23. Nakuha noong 2012-07-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. The keys to the kingdom, By Asaf Shtull-Trauring (Haaretz, 6.5.2011)
  43. Khirbat Qeiyafa Preliminary Report Naka-arkibo 2012-05-16 sa Wayback Machine. (Israel Antiquities Authority, 19/4/2012)
  44. Friedman, Matti (30 Oktubre 2008). "Israeli Archaeologists Find Ancient Text". AOL news. Associated Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-11-03. Nakuha noong 2012-07-11.{{cite news}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. Archaeological find stirs debate on David's kingdom (Haaretz, 9 Mayo 2012)