Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Sakit na bipolar

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bipolar disorder)
Bipolar disorder
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian
Ang diperensiyang bipolar ay inilalarawan ng mga paglipat sa pagitan ng depresyon at manya
ICD-10F31.
ICD-9296.0, 296.1, 296.4, 296.5, 296.6, 296.7, 296.8
OMIM125480 Padron:OMIM2
DiseasesDB7812
MedlinePlus000926
eMedicinemed/229
MeSHD001714

Ang diperensiyang bipolar (Ingles: bipolar disorder, manic depressive disorder, manic depression, bipolar affective disorder, mood disorder) ay isang katawagan sa sikiyatriya para sa sakit sa pag-iisip kung saan ang isang indibidwal ay sinusumpong ng matinding depresyon at matinding manya (mania) sa pakiramdam (mood swing) nito.

Ang henetika gayundin ang kapaligiran ay pinaniniwalaang nagaambag sa pagbuo ng diperensiyang bipolar sa isang tao.

Episodyong depresyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bagaman ang diperensiyang bipolar ay minamarkahan ng isang transisyong depresyon at manya, ang depresyon ay higit na mas karaniwan.

Ang ilan sa mga sintomas ng yugto ng depresyon (depressive episode o episodyong depresibo) ay kinabibilangan ng patuloy na pakiramdam ng kalungkutan, pagkabalisa, galit, isolasyon(pagiging isa) o kawalang pag-asa, mga pagkagulo sa pagtulog at gana, pagod, kawalan ng interes sa mga bagay na kasaya-saya, problema sa konsentrasyon, kalungkutan, galit sa sarili o hindi pagkagusto sa sarili, pagiging mahiyain, pagkabalisa sa pakikisalamuha sa iba, depersonalisasyon, pagiging mainisin, kronikang sakit, kawalan ng motibasyon, at pag-iisip ng pagpapatiwakal. Sa mga malalang kaso, ang indibidwal ay maaaring maging sikotiko na isang kondisyong kilala rin bilang malalang depresyong bipolar na may mga katangiang sikotiko. Ang mga sintomas na ito ay kinabibilangan mga delusyon o mas hindi karaniwang mga halusinasyon. Ang isang pangunahing episdodyong depresyon ay karaniwang nagpapatuloy ng hindi bababa sa dalawang mga linggo at maaaring tumagal ng higit sa anim na buwan kung hindi nagamot.[1]

Episodyong manya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang manya ang lagdang katangian ng diperensiyang bipolar at depende sa pagiging malala nito ay kung paanong ang dipensiyang ito ay inuuri. Ang manya ay pangkalahatang inuuri ng isang natatanging yugto ng tumaas na mood(pakiramdam) na kumukuha ng anyong euphoria. Sa yugtong ito, ang mga indibidwal ay karaniwang nakararanas ng isang tumaas na enerhiya at isang nabawasang kailangan ng pagtulog na ang karamihan ay kadalasang nakakatulog ng kaunting tulog na tatlo o apat na oras kada gabi samantalang ang iba ay hindi nakakatulog ng ilang mga araw.[2] Ang isang indibidwal ay maaaring magpakita ng isang pilit na pagsasalita na may mabilis na mga pag-iisip.[3] Ang saklaw ng pansin(panahon ng pagtutuon sa isang bagay) at ang isang taong nasa estadong maniko ay maaaring madaling maistorbo. Ang paghatol ng taong ito ay maaring humina at maaaring maging mapag-gasta sa pamimili o umasal na medyo abnormal para sa mga ito. Ang mga ito ay maaaring umabuso ng mga droga partikular na ang alak, cocaine, o mga pill na pampatulog. Ang pag-aasal ng mga taong ito ay maaaring maging agresibo, hindi mapagparaan sa iba o mapanghimasok. Ang mga nasa yugtong ito ay maaaring makaranas na wala sa kontrol o hindi mapigilan o parang ang mga ito ay makaramdam na sila ay pinili o nasa sa isang espesyal na misyon o may ibang mga ideyang dakila o delusiyonal. Ang pagnanasang seksuwal ay maaaring tumaaas. Sa mas sukdulang mga kaso ng bipolar I, ang isang indibidwal na nasa estadong maniko ay maaaring simulang makaranas ng sikosis o paghihiwalay sa realidad kung saan ang pag-iisip ay naaapektuhan kasama ng mood.[4] Ang ilang mga taong nasa estadong maniko ay nakararanas ng malalang pagkabalisa(anxiety) at napaka mainisin sa puntong bayolente samantalang ang iba ay euporiko at engrande. Upang madiagnos sa manya ayon sa Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders (DSM), ang isangt tao ay dapat makaranas ng estadong ito ng mood o pakiramdam na tumaas o mainisin gayundin ang ibang mga sintomas ng hindi bababa sa isang linggo, mas mababa kung ang hospitalisasyon ay kailangan.[5] Ang pagkagulo sa pagtulog ang pinakakaraniwang sintomas na prodomal, pagbabago sa mood, sikomotor at gana at ang pagkabalisa ay maaari ring mangyari hanggang tatlong mga linggo bago ang episodyong maniko ay umunlad.[6]

Episodyong hipomaniko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang hipomanya(hypomanoia) ay pangkalahatang isang malumanay hanggang katamtamang lebel ng manya na inilalarawa ng optimismo, presyure ng pananalita at gawain at nabawasan pangangailangan sa pagtulog. Sa pangkalahatang, ang hipomanya ay hindi nagpipigil ng paggana ng isang indbidwal gaya ng manya.[7] Maraming mga taong may hipomanya ay aktuwal na mas produktibo kesa sa karaniwan samantalang ang mga indibidwal na may manya ay may kahirapang kumupleto ng mga gawain sanhi ng umikling saklaw ng pansin. Ang ilang mga indbidwal ay may tumaas na pagiging malikhain samantalang ang iba ay nagpapakita ng mababang paghatol at pagiging mainisin. Ang maraming mga meron nito ay nakararanas ng lagdang hayperseksuwalidad. Ang mga taong ito ay pangkalahatang may tumaas na enerhiya at may kagawiang maging mas aktibo kesa sa karaniwan. Gayunpaman, ang mga ito ay walang mga delusyon o mga halusinasyon. Ang hipomanya ay maaaring mahirap na madiagnos dahil ito ay maaaring magpanggap na isa lamang kasiyahan bagaman ito ay nagdadala ng parehong mga panganib gaya ng manya. Ang hipomanya ay maaaring maramdamang mabuti para sa taong nakararanas nito. Kaya kahit natutunan ng pamilya o mga kaibigan ang mga sumpong(mood swing) nito, kadalasang itatanggi ng indibidwal na may mali.[8] Gayundin, maaaring hindi magawang matandaan ng indibidwal ang mga pangyayari na nangyari habang nararanasan nito ang hipomanya.[9] Ang tinatawag na pangyayaring hipomaniko kung hindi sinamahan ng komplementaryong mga episodyong depresibo ay hindi karaniwang itinuturing na problematiko. Ang problema ay lumilitaw kapag ang mga pagbabago sa mood ay hindi makontrol o nagbabago. Kung hindi sinamahan ng mga episodyong depresyon o kundi ay pagiging mainisin, ang pag-aasal ay karaniwang tinatawag na hiperthymia o kasiyahan na siyempre ay perpektong normal. Ang katunayan, ang pinakaelementaryong depinisyon ng diperensiyang bipolar ay kadalasang estadong "bayolente"(marahas) o nakakainis na likas na hindi makokontrol na osilasyon sa pagitan ng hiperthemia (hyperthemia) o dysthymia. Kung hindi nagamot, ang episodyo ng hipomanya ay maaaring tumagal mula ilang mga araw hanggang ilang mga taon. Sa mas karaniwan, ang mga sintomas ay nagpapatuloy ng ilang mga linggo hanggang ilang mga buwan.[10]

Episodyong halong apektibo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa konteksto ng diperensiyang bipolar, ang isang estadong halo ay isang kondisyon kung saan ang mga sintomas ng manya at depresyon ay sabay na nangyayari. Ang mga tipikal na halimbawa ay kinabibilangan ng pagiging maiyakin sa episodyong manya o mga mabilis na pag-iisip sa episodyong depresyon. Ang mga indibidwal ay maaari ring makaramdam bigo sa estadong dahil ang isa ay maaaring makaramdam ng pagkabigo at sa parehong panahon ay may mga mabilis na paglipat ng paksa sa pagsasalita ng taong ito. Ang mga halong estado ay kadalasang ang pinaka mapanganib na yugto ng mga diperensiya ng mood kung saan ang pang-aabuso sa substansiya, diperensiyang panik, mga pagtatangka ng pagpapatiwakal at iba pang mga komplikasyon ay maaaring labis na tumaas.[11]

Mga nauugnay na katangian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang The Starry Night ni Vincent van Gogh na isang pintor na ang pagiging malikhain ay naimpluwensiyahan ng sakit sa pag-iisip.

Ang mga nauugnay na katangian ay mga phenomenang klinikal na karaniwang kasama ng diperensiya ngunit hindi bahagi ng diagnostikong kriterya ng diperensiya. May ilang mga prekursor sa pagiging bata ng mga batang kalaunang nakatanggap ng diagnosis ng diperensiyang bipolar. Ang mga ito ay maaaring magpakita ng hindi halatang mga abnormalidad sa mood, buong mga episodyong pangunahing depresyon at ADHD.[12] Ang diperensiyang bipolar ay sinasamahan rin ng mga pagbabago sa mga proseso at kakayahang kognitibo. Ito ay kinabibilangan ng nabawasang mga kakayahang pang-atensiyon at ehekutibo at nasirang memorya. Kung paanong ang indibidwal ay nagpoproseso ng daigdig ay depende sa sa yugto ng diperensiya na may mga katangiang diperensiyal sa pagitan ng manya, hipomanya at depresyon.[6] Natuklasan ng ilang mga pag-aaral ang isang malaking pagkakaugnay sa pagitan ng diperensiyang bipolar at pagiging malikhain.[13] Ang ilang mga pasyente ay may kahirapan sa pagpapanatili ng mga relasyon sa ibang tao.[14]

Ang diagnosis ng sakit na ito ay batay sa mga sariling iniulat na mga karanasan ng indibidwal gayundin ang mga abnormalidad sa pag-aasal na iniulat ng mga kasapi ng pamilya, kaibigan o mga kasama sa trabaho na sinundan ng mga pangalawang mga tandang napagmasdan ng mga sikatrista, nars at mga mangyayawang panlipunam o mga sikolohista. May mga talaan ng kriterya para ang isang indibidwal ay madiagnos na may diperensiyang bipolar. Ang pagsusuri ay karaniwang ginagawa sa basehang hindi nangangailang manatili sa ospital. Ang admisyon sa ospital ay isinasaalang alang kung may panganib sa sarili o sa iba ang indibidwal na ito. Ang pinaka malawak na ginagamit na kriterya sa pagdadiagnos ng diperensiyang bipolar ay mula sa Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders(DSM) na ang kasalukuyang bersiyon ay ang DSM-IV-TR, at ang International Statistical Classification of Diseases and Related Health Problems ng WHO na ang kasalukuyang bersiyon ay ang ICD-10. Ang huling kriterya ay karaniwang ginagamit sa Europa at iba pang mga rehiyon samantalang ang DSM ay ginagamit sa Estados Unidos at iba pang mga rehiyon gayundin sa mga nananaig na pag-aaral ng pananaliksik. Ang DSM-V na ililimbag sa 2013 ay malamang magsama ng karagdagan at mas tumpak na paguuri.[15]

Ang simulang pagsussuri ay maaaring kabilangan ng isang eksaminasyong pisikal ng doktor. Bagaman walang mga pagsubok biolohikal na kukumpirma sa diperensiyang bipolar, ang mga pagsubok ay maaaring isagawa upang hindi ibilang ang mga sakit gaya ng hipothyroidismo o hiperthyroidismo, pagkagulong metaboliko, impeksiyon o sakit na kroniko at impeksiyong syphilis o HIV. Ang EEG ay maaaring gamitin upang hindi ibilang ang epilepsiya at isang CT scan sa ulo upang hindi ibilang ang mga lesyon sa utak. Ang mga imbestigasyon ay pangkalahatang hindi inuulit para sa relapse malibang may spesipikong indikasyong medikal. Ang ilang mga rating scale para sa pag-iiskreen at pagsusuri ng diperensiyang bipolar ay umiiral gaya ng Bipolar spectrum diagnostic scale.[16] Ang paggamit ng mga skalang pagsusuri ay hindi maaaring humalili sa isang buong pakikipanayam na klinikal ngunit ang mga ito ay maaaring magsilbi upang isistema ang rekoleksiyon ng mga sitomas.[16][16]

Kriterya at mga pang-ilalim na uri

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Walang maliwanag na kasunduan kung gaano karami ng diperensiyang bipolar ang umiiral.[17] Sa DSM-IV-TR at ICD-10, ang diperensiyang bipolar ay kinokonsepto bilang spektrum ng bipolar na umiiral sa isang continuum. Ang DSM-IV-TR ay nagtatala ng tatlong mga spesipikong pang-ilalim na uri at isa para sa hindi natukoy: [18][19]

Diperensiyang bipolar I
Isa o higit pang mga episodyong manya. Ang mga subkategorya ay tumutukoy kung may higit sa isang episodyo at ang uri ng pinaka kamakailang episodyo.[20] Ang episodyong depresyon o hipomanya ay hindi kailangan para sa diagnosis nito ngunit ito ay kadalasang nangyayari.
Diperensiyang bipolar II
Walang mga episodyong manya ngunit isa o higit pang mga episodyong hipomanya at isa o higit pang mga episodyong depresyon.[21] Gayunpaman, ang isang diagnosis ng bipolar II ay hindi garantiya na ang meron nito ay kalaunang makararanas mula sa gayong episodyo sa hinaharap. Ang mga episodyong hipomanya ay hindi tumutungo sa buong mga sukdulan ng manya (i.e., hindi karaniwang nagsasanhi ng malalang pagkapinsala sa pakikisalamuha o sa trabaho at walang sikosis) at ito ay maaaring gumawa sa bipolar II na mas mahirap na madiagnos dahil ang mga episodyong hipomanya ay maaaring simpleng lumitaw bilang isang yugto ng matagumpay na mataas na produktibidad at hindi kadalasang inuulat kesa sa depresyong nakababalisa o nakalulumpo.
Cyclothymia
Isang kasaysayan ng mga episodyong hipomanya na may mga yugto ng depresyon na hindi nagtatagpo sa kriterya para sa episodyong pangunahing depresyon.[22] May isang mababang gradong pagsisiklo ng mood na lumilitaw sa tagapagmasid bilang katangiang personalidad at nanghihimasok sa paggana ng indibidwal.
Bipolar Disorder NOS (Not Otherwise Specified)
Ito ay kategoryang malawak na sumasakop na nadadiagnos kapag ang diperensiya ay hindi nahuhulog sa loob ng isang spesipikong pang-ilalim na uri.[23] Ang Bipolar NOS ay maaari pa ring malaking makapinsala at hindi mabuting makaapekto sa kalidad ng buhay ng pasyente.

Ang mga kategoryang bipolar I at II ay may mga tagatukoy na nagpapakita ng presentasyon at kurso ng diperensiyang ito. Halimbawa, ang tagatukoy na isang buong paggaling na interepisodyo ay lumalapat kung may buong remisyon sa pagitan ng dalawang pinaka kamakailang mga episodyo.[24]

Ang pampanatag ng damdamin(mood stabilizer) ay mga kemikal o droga na ginagamit sa paggamot ng diperensiyang bipolar. Ito ay kinabibilangan ng mga antikonbulsant gaya ng Valproic acid (Depakene), divalproex sodium (Depakote), at sodium valproate (Depacon, Epilim), Lamotrigine (Lamictal), Carbamazepine (Tegretol), Oxcarbazepine (Trileptal) at iba pang medikasyon gaya ng Lithium at ilang atipikal na antisikotiko(risperidone, olanzapine, quetiapine, at ziprasidone)

Epidemyolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Pilipinas, 19% ng mga nagpapagamot sa mga pasilidad ng kalusugang pangkaisipan ay may dayagnosis na diperensiya ng damdamin(mood disorder).[25]

Mga kilalang indibiduwal na mayroong karamdamang bipolar

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Sinead O'Connor - mang-aawit
  • Axl Rose - musikero
  • Jean-Claude Van Damme - artista
  • Vincent Van Gogh - pintor
  • Friedrich Nietzsche -pilosopo
  • Ernest Hemmingway -manunulat
  • Kurt Cobain - musikero
  • Catherine Zeta Jones- artista

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Practice Guideline for the Treatment of Patients With Bipolar Disorder Second Edition". 1. 2006. doi:10.1176/appi.books.9780890423363.50051. ISBN 0-89042-336-9. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. DSM-IV 1994, p. 357.
  3. Read, Kimberly (2010-02-27). "Warning Signs of Mania". About.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-03. Nakuha noong 2010-12-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Bipolar Disorder". National Institute of Mental Health (NIMH). 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Oktubre 2009. Nakuha noong 6 Hulyo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Mayo Clinic staff. "Bipolar disorder: Tests and diagnosis". MayoClinic.com. Nakuha noong 2010-07-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 PMID 17825463 (PubMed)
    Citation will be completed automatically in a few minutes. Jump the queue or expand by hand
  7. "Hypomania and Mania Symptoms in Bipolar Disorder". WebMD.com. 10 Enero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Bipolar Disorder: NIH Publication No. 95-3679". U.S. National Institutes of Health. Setyembre 1995. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-04-29. Nakuha noong 2012-09-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Bowden CL (Enero 2001). "Strategies to reduce misdiagnosis of bipolar depression". Psychiatr Serv. 52 (1): 51–5. doi:10.1176/appi.ps.52.1.51. PMID 11141528.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Bipolar II Disorder Symptoms and Signs". Web M.D. Nakuha noong 2010-12-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Goldman E (1999). "Severe Anxiety, Agitation are Warning Signals of Suicide in Bipolar Patients". Clin Psychiatr News: 25.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. PMID 2504732 (PubMed)
    Citation will be completed automatically in a few minutes. Jump the queue or expand by hand
  13. PMID 20936438 (PubMed)
    Citation will be completed automatically in a few minutes. Jump the queue or expand by hand
  14. Jamison & Goodwin 2007, p. 338.
  15. Perugi, Giulio; Ghaemi, S. Nassir; Akiskal, Hagop (2006). "Diagnostic and Clinical Management Approaches to Bipolar Depression, Bipolar II and Their Comorbidities": 193–234. doi:10.1002/0470017953.ch11. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 16.2 PMID 19122534 (PubMed)
    Citation will be completed automatically in a few minutes. Jump the queue or expand by hand
  17. PMID 16488021 (PubMed)
    Citation will be completed automatically in a few minutes. Jump the queue or expand by hand
  18. DSM-IV 2000.
  19. "Bipolar Disorder". BehaveNet.
  20. "Bipolar I Disorder". BehaveNet.
  21. "Bipolar II Disorder". BehaveNet.
  22. "Cyclothymic Disorder". BehaveNet.
  23. "Not Otherwise Specified". BehaveNet.
  24. "Longitudinal Course Specifiers for Mood Disorders". BehaveNet.[patay na link]
  25. Mental health in the Philippines, World Health Organization