Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Bicol

Mga koordinado: 13°30′N 123°20′E / 13.5°N 123.33°E / 13.5; 123.33
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bicol Region)
Bicol
Clockwise from the top: Mayon Volcano, Calaguas Islands, Ateneo de Naga University Church, Caramoan National Park, Legazpi Cathedral
Palayaw: 
Home of the Uragons
Awit: Bicol Regional March
Location in the Philippines
Location in the Philippines
OpenStreetMap
Map
Mga koordinado: 13°30′N 123°20′E / 13.5°N 123.33°E / 13.5; 123.33
Country Pilipinas
Island groupLuzon
Regional center
and largest city
Lungsod ng Legazpi, Albay
Lawak
 • Kabuuan18,155.82 km2 (7,010.00 milya kuwadrado)
Pinakamataas na pook2,463 m (8,081 tal)
Populasyon
 (senso ng 2020)[1]
 • Kabuuan6,082,165
 • Kapal330/km2 (870/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigo ng ISO 3166PH-05
Provinces
Independent cities
Component cities
Municipalities107
Barangays3,471
Cong. districts16
Languages
GDP (2023)701.72 billion
$12.61 billion[2]
Growth rateIncrease (4.58%)[2]
HDIIncrease 0.687 (Medium)
HDI rank13th in the Philippines (2019)
Websaytdilgbicol.org

Ang Bicol (binabaybay ding Bikol; tinatawag ding Kabikulan at Rehiyon 6) ay isa sa 17 mga rehiyon ng Pilipinas. Binubuo ang Bicol ng anim na lalawigan sa Tangway ng Bikol, ang pinakatimog-silangang bahagi ng pulo ng Luzon, at ng dalawang pulong lalawigan malapit sa tangway. Ang Lungsod ng Legazpi † ang kabisera, sentro ng pulitika at administrasyon ng rehiyon,[3][4] samantalang ang Lungsod ng Naga naman ang sentro ng relihiyon, edukasyon, ekonomiya, industriya at ekonomiya sa rehiyon.[5][6][7][8][9]

Matatagpuan ang Kabikulan sa pinakatimog na dulo ng Luzon, ang pinakamalaking pulo sa kapuluan ng Pilipinas. Ang kabuuang sukat ng lupa ng rehiyon ay nasa 18,054.3 km2 (6,970.8 mi kuw),[10] na 5.9% ng kabuuang sukat ng lupa ng buong bansa. Nasa 69.3% ng kabuuang lupa ay maaaring tirahan samantalang ang nalalabing 30.7% ay binubuo ng mga kagubatan.[11]

Naghahanggan ang rehiyon sa Look ng Lamon sa hilaga, sa Dagat Pasipiko sa silangan, sa Dagat Sibuyan at Golpo ng Lagay sa kanluran. Ang pinakahilagang lalawigan ng rehiyon, ang Camarines Norte, ay naghahanggan sa hilaga sa lalawigan ng Quezon, na nag-uugnay sa rehiyon sa ibang bahagi ng Luzon.[11]

Ang mga lalawigan na bumubuo sa rehiyon ay ang mga sumusunod:

Ang Rehiyon V ay isang tangway. Makikita sa mapa na halos napapalibutan ito ng tubig. Dahil dito, ang mga pamayanang malapit sa tubig ay umaasa nang malaki sa pangingisda.

May mga yamang mineral din ang rehiyong ito. Ang paracale sa Camarines Norte ay pangunahing tagapagmina ng ginto at tanso. Minimina rin sa ibang bahagi ng rehiyon ang marmol, pilak, bakal, karbon, chromite, manganese at abaka. Mayaman din ito sa mga magagandang tanawin tulad ng Bulkang Mayon ng Albay.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Census of Population (2015). "Region V (Bicol Region)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "2021 to 2023 Gross Regional Domestic Product (GRDP)". openstat.psa.gov.ph. Philippine Statistics Authority. Nakuha noong Abril 26, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "DILG Regional Office No. 5 Directory" Naka-arkibo 2012-04-17 sa Wayback Machine.. Bicol Region Official website; retrieved 22 May 2012.
  4. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-04-16. Nakuha noong 2014-07-18.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-23. Nakuha noong 2014-07-18.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-04-21. Nakuha noong 2014-07-18.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-12-23. Nakuha noong 2014-07-18.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. http://www.bicolmail.com/2012/?p=10317
  9. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-11-02. Nakuha noong 2014-07-18.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. The total land area is derived from the summation of provincial areas from the table below
  11. 11.0 11.1 "Overview of Bicol Region" Naka-arkibo 2010-04-16 sa Wayback Machine.. Department of Agriculture Web Site; retrieved 22 May 2012.

Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.