Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Ang Lalaking Sugatan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Lalaking Sugatan
Alagad ng siningGustave Courbet
MediumOil on canvas
Sukat81.5 cm × 97.5 cm (32.1 pul × 38.4 pul)
KinaroroonanMusée d'Orsay, Paris

Ang Lalaking Sugatan (Pranses: L'Homme blessé) ay isang larawang ipininta ni Gustave Courbet sa mga taóng 1844 hanggang 1854. Sumusukat ito ng 81,5 cm × 97,5 cm at kasalukuyang na sa Museo ng Orsay sa Paris.

Ang larawang ito ay isa sa maraming mga sariling-larawan ni Courbet. Una itong naipinta noong 1844 at ipinakita ang pintor na natutulog, mas bata, at may babaeng nakasandal sa kanyang balikat. Noong 1844, matapos masira ang kanyang puso, may binago si Courbet sa kanyang larawan. Kung dati'y may babae sa kanyang tabi, inalis niya ito at pinalitan ng espada bilang sagisag nito. Nagdagdag din siya ng mantsa ng dugo banda sa kanyang puso.

Ikinonserba ni Courbet ang larawan hanggang sa kanyang kamatayan noong 1877. Pagkatapos maging parte ng koleksyon ni Juliette Courbet, ang kapatid ni Gustave, Ang Lalaking Sugatan ay naibili ng estado sa panahon ng isang pagsusubasta sa Hotel Drouot, Paris. Una ay ipinakita ito sa Museo ng Louvre, at noong 1986, inilipat ito sa Museo ng Orsay.

Malapitan ang larawan. May isang lalaking natutulog, nakasandal sa isang puno. Hawak niya ang isang kapa na siyang kanyang panakip. May mantsa ng dugo sa kanyang pang-itaas, banda sa kanyang puso. At sa tabi naman niya ay may espada, na nagpapahiwatig ng isang labanan na nagtapos nang masalimuot.

Sa isang sulat ng kanyang amigong si Proudhon, isinasabing: "Ang tunay na kagandahan ay nakikita lamang sa pagdurusa (...). Sila ang dahilan kung bakit ang aking duwelistang na sa bingit na ng kamatayan ay maganda.".[1]

Sa pagsusuri ng tela, natagpuan ang tatlong mga larawan. Ang unang eksena ay nagpakita ng ulo ng babae. Ang ikalawa ay nagpakita ng dalawang magkasintahan, nagpapahinga at magkahawak kamay; isa roon ay ang batang Gustave Courbet, noong 1844. Ang ikatlo namang pagbabago ay ang huli at ang nanatili: Courbet, sugatán, nakasandal sa puno.[2] Ang Iba't ibang mga hypothesis o sapantahà ay nagpapaliwanag ng mga kaibahan

  • Sa panahong iyon, ang kámbas ay mahal, at upang makatipid, ginamit na lang ni Courbet sa pagguhit ang naturang kámbas.
  • Pagkatapos siyang iwan ng kanyang kasintahang si Virginie Binet, dala ang kanyang anak, noong 1851, Inulit ni Courbet ang larawan, at pinalitan si Virginie ng espada at sugat sa puso. Ngayon, inilalarawan nito ang kanyang naging kalagayan, isang sugatáng lalaki dahil sa pag-iwan sa kanya ng kanyang kasintahan.
  1. http://newsletters.artips.fr/Courbet_blesse/. {{cite web}}: Missing or empty |title= (tulong)
  2. Émission télévisés d'Art d'Art, 2008, Froggies.

Mga Panlabas na Kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]