Kabisayaan
Palayaw: Gitnang Pilipinas | |
---|---|
Heograpiya | |
Lokasyon | Timog Silangang Asya |
Arkipelago | Pilipinas |
Sukat | 61,077 km2 (23,582 mi kuw) |
Pamamahala | |
Pilipinas | |
Demograpiya | |
Populasyon | 11,203,760 |
Densidad ng pop. | 294.28 /km2 (762.18 /mi kuw) |
Ang Visayas o Kabisayaan (sa Bisaya: Kabisay-an), tinagurian ding Gitnang Pilipinas, ay isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa Pilipinas kabilang ang Luzon at Mindanao. Binubuo ito ng mga kapuluan, pangunahin ang mga pulong pumapalibot sa Dagat Kabisayaan, bagaman itinuturing na ang Kabisayaan ang pinakadulong hilagang bahagi ng Dagat Sulu.[2]
Ang mga pangunahing pulo sa kabisayaan ay ang Panay, Negros, Cebu, Bohol, Leyte, at Samar.[5] Ang rehiyon ay maaaring isama ang mga pulo ng Romblon at Masbate, kung ang populasyon nito ay kinikilalang mga Bisaya.
Kasaysayan
Hanggang sa ngayon, nananatiling mahiwaga ang kasaysayan ng Kabisayaan bago dumating ang mga Kastila. Maraming mga alamat at mga salaysay tungkol sa kasaysayan ng Kabisayaan subalit maraming hindi sang-ayon kung may katotohanan ang mga ito. Ang mga sinaunang tao sa rehiyon ay mga Austronesyo at Negrito na dumayo sa kapuluan tinatayang 6,000 hanggang 30,000 taon ang nakalilipas. Ang mga unang nanirahan ay maituturing na animista. Noong ika-12 dantaon, ang mga mamamayan ng dating emperyo ng Srivijaya, Majapahit at Brunei, na pinamunuan ni Datu Puti at ang kanyang mga katribo, ay naglakbay at nanirahan sa pulo ng Panay at sa mga pulong nakapalibot dito.[6] Noong ika-14 na dantaon, Ang mga mangangalakal na Arabe at ang kanilang mga tagasunod ay nangahas na dinayo ang mga karagatan sa Timog Silangang Asya, at hinikayat ang mga tribong pangkat sa Islam.
Mga Rehiyon at Lalawigan
Ang Visayas ay nahahati sa 3 rehiyon na lalo pang nahahati sa 17 mga probinsiya.
Kanlurang Kabisayaan (Rehiyon lV)
Ang Kanlurang Kabisayaan ay binubuo ng isla ng Panay at Guimaras. Ang mga lalawigan nito ay:
- Sentrong Pang-Rehiyon (Regional Center-VI)
- Lungsod ng Iloilo (Iloilo City)
Gitnang Kabisayaan (Rehiyon VII)
Kabilang sa Gitnang Kabisayaan ang mga pulo ng Cebu,Siquijor,Bohol,Negros Occidental at Negros Oriental. Ang mga lalawigan nito ay:
- Sentrong Pang-Rehiyon (Regional Center-VII)
- Lungsod ng Cebu (Cebu City)
Silangang Kabisayaan (Rehiyon VIII)
Ang Silangang Kabisayaan ay binubuo ng mga pulo ng Leyte, Biliran, at Samar. Ang mga lalawigan nito ay:
- Sentrong Pang-Rehiyon (Regional Center-VIII)
- Tacloban (Tacloban City)
Kalakhan sa Kabisayaan
Ang Kalakhan sa Bisayas o Metro sa Visayas ay ang mga kalakhan na naka-ayon sa bawat rehiyon, kapitolyo, lalawigan at lungsod, isla ng Bisayas ang mga kalakhan ay dibisyon mula sa rehiyon hanggang sa lalawigan at pababa sa lunsod.
Kalakhang Bisayas
Kalakhan (Metro) | Sentrong kalakhan | Dibisyon |
---|---|---|
Kalakhang Cebu | Cebu | Gitnang Kabisayaan |
Kalakhang Iloilo-Guimaras | Iloilo | Kanlurang Kabisayaan |
Wika
Ang mga pangunahing wikang sinasalita sa Kabisayaan ay ang wikang Hiligaynon o Ilonggo sa halos kabuuan ng Kanlurang Kabisayaan, wikang Cebuano sa Gitnang Kabisayaan, at Waray sa Silangang Kabisayaan. Ang iba pang mga wikang sinasalita ay ang wikang Aklanon, wikang Kinaray-a, at wikang Capiznon. Ang wikang Filipino, ang pambansang wika na ibinatay sa Wikang Tagalog, ay nauunawaan subalit bihirang gamitin sa pangkaraniwang pakikipagtalastasan. Ang wikang Ingles, isa sa mga opisyal na wika ng bansa ay malawakang ginagamit at itinuturing na pangalawang wika sa mga pook urban sa Kabisayaan. Madalas din itong gamitin sa mga paaralan, mga pampublikong palatandaan at kalakalan.
Alamat
May mga alamat na nakapaloob sa librong Maragtas, tungkol sa sampung hepe (datu) na tumakas mula sa paniniin ni Datu Makatunaw ng Borneo papunta sa isla ng Panay. Ang mga datu at ang kanyang mga tagasunod ay pinaniniwalaang mga ninuno ng mga Bisaya. Ang pagdating nila ay pinagdiriwang sa pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan. Bagama't ito ay isang alamat, base pa rin ito sa mga totohanang pangyayari. Ito ay nilikom sa isang aklat ni Pedro Alcantara Monteclaro noong 1907.
Pinakamalalaking mga lungsod o bayan sa [[{{{country}}}]]
Source: 2020 PH Census Bureau Estimate | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Ranggo | Rehiyon | Pop. | Ranggo | Rehiyon | Pop. | ||||
Cebu City Bacolod |
1 | Cebu City | Central Visayas | 922,611 | 11 | Calbayog | Eastern Visayas | 183,851 | Iloilo City Lapu-Lapu City |
2 | Bacolod | Western Visayas | 600,783 | 12 | Roxas | Western Visayas | 179,292 | ||
3 | Iloilo City | Western Visayas | 457,626 | 13 | Toledo | Central Visayas | 170,335 | ||
4 | Lapu-Lapu City | Central Visayas | 408,112 | 14 | Cadiz | Western Visayas | 158,544 | ||
5 | Mandaue | Central Visayas | 362,654 | 15 | Danao | Central Visayas | 136,471 | ||
6 | Tacloban | Eastern Visayas | 242,089 | 16 | San Carlos | Western Visayas | 132,650 | ||
7 | Talisay | Central Visayas | 227,645 | 17 | Dumaguete | Central Visayas | 131,377 | ||
8 | Ormoc | Eastern Visayas | 215,031 | 18 | Silay | Western Visayas | 130,478 | ||
9 | Kabankalan | Western Visayas | 200,198 | 19 | Carcar | Central Visayas | 119,664 | ||
10 | Bago | Western Visayas | 191,210 | 20 | Bayawan | Central Visayas | 117,900 |
Mga sanggunian
- ↑ "Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities" (PDF). National Statistics Office of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-12-26. Nakuha noong 11 Mayo 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ C.Michael Hogan. 2011. Sulu Sea. Encyclopedia of Earth. Eds. P.Saundry & C.J.Cleveland. Washington DC
- ↑ "Executive Order No. 429". President of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-07. Nakuha noong 2009-05-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Administrative Order No. 129". President of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-07-13. Nakuha noong 2009-05-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ On 23 Mayo 2005, Palawan and Puerto Princesa City were moved to Western Visayas by Executive Order No. 429.[3] However, on 19 Agosto 2005, President Arroyo issued Administrative Order No. 129 to hold the earlier EO 429 in abeyance pending a review.[4] Magmula noong 2010[update], Ang Palawan at ang mataas na urbanisadong lungsod ng Puerto Princesa ay nanatiling bahagi ng rehiyon ng MIMAROPA.
- ↑ Jovito S. Abellana, "Bisaya Patronymesis Sri Visjaya" (Ms., Cebuano Studies Center, ca. 1960)