Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

SlideShare a Scribd company logo
Mga Uri ng Hazards at Paghahanda Rito

BAGYO

Ang bagyo o typhoon/storm ay malakas na hanging kumikilos ng paikot na madalas ay may
kasamang malakas at matagal na pag-ulan. Ito ay ay isang higanteng buhawi. Sa mata ng bagyo
ay walang hangin subalit malakas naman ang hangin sa eyewall nito.

Public Storm Warning Signal (PSWS). Ang PSWS ay mga babalang ipinalalabas
ng PAGASA upang malaman kung gaano kalakas ang paparating na bagyo, saan ang lokasyon
nito sa oras na inilabas ang PSWS, saan ang tinatayang dadaanan nito, at ano ang mga
paghahandang dapat o maaari pang maisagawa ng mga komunidad na maaapektuhan ng pagdaan
ng bagyo.

      PSW Signal Number 1 – hanging may lakas mula 30-60 kph. Inaasahan ang bagyo sa
      loob ng 36 oras.
      PSW Signal Number 2 – hanging may lakas mula 61-100 kph. Inaasahan ang bagyo sa
      loob ng 24 oras.
      PSW Signal Number 3 – hanging may lakas mula 100-185 kph. Maaasahan ang
      pagdating sa loob ng 18 oras.
      PSW Signal Number 4 – napakalakas na hanging hihigit sa 185 kph at maaasahan sa loob
      ng 12 oras.

Mga dapat gawin BAGO dumating ang bagyo

      Ihanda ang radyo, flashlight at ekstrang baterya;
      Maghanda ng pang-emergency na pagkaing hindi agad nasisira (katulad ng de-lata at
      biskwit), lalagyan ng tubig, first-aid kit o gamit at gamot na pang-unang lunas, at mga
      plastik na supot;
      Tiyaking mabuti na makakayanan ng bubong at mga bintana ng bahay ang malakas na
      ihip ng hangin (para sa mga kabahayan sa maralitang komunidad, tiyakin din na
      kakayanin ng haligi at dingding ang lakas ng hangin sa pamamagitan ng pagtatali at/o
      pagpapako ng maayos sa mga ito); at
      Putulin ang mga mahahabang sanga ng mga punongkahoy na malapit sa bahay.

Mga dapat gawin HABANG may bagyo

      Ugaliing makinig sa radyo o manood ng TV para sa regular na anunsyo o babala tungkol
      sa kalagayan ng bagyong paparating o kaya naman ay makibalita sa mga kapitbahay;
      Siguraduhing may mga gamit pang-emergency na nakalagay sa lalagyang hindi nababasa;
      Punuin ang lalagyan ng tubig, ilagay sa plastik na supot ang mga ekstrang damit, mga
      delata, kandila, posporo, baterya, at iba pang mahahalagang gamit;
      Mag-ingat sa mata ng bagyo. Ito ang biglang pagtigil ng hangin at ulan at kalmado ang
      paligid sa isang lugar. Hudyat ito na pagkaraan ng halos 2 oras ay babalik ang mas
      malakas na hangin at ulan;
      Manatili sa loob ng bahay hanggang matapos ang bagyo; at
Kung kinakailangang lumikas, tiyaking nakapatay ang kuryente ng bahay, nakasara ang
       tangke ng gas, at nakasusi ang pinto. Huwag kalimutan ang mga gamit pang-emergency.

BAHA

Nangyayari ang baha o floodings sa pagtaas ng tubig nang higit sa kapasidad ng ilog at ibang
daluyan na ang resulta ay pag-apaw nito sa kapatagan. Ito ay dulot ng labis na pag-ulan, biglaang
pagbuhos ng ulan o thunderstorm, pagka-ipon ng tubig dahil sa pagbabara ng mga daluyan ng
tubig, at tuluy-tuloy na pag-ulan sa loob ng ilang araw.

FLASHFLOODS

Ang flashfloods ay rumaragasang agos ng tubig na may kasamang banlik, putik, bato, kahoy, at
iba pa. Mabilis ang pagdating nito at mabilis din ang paghupa. Maaaring sanhi ito ng pagkakalbo
ng bundok (kagaya ng dahilan kung bakit naging mapaminsala ang bagyong Sendong sa
lalawigan ng Cagayan De Oro) at pagmimina (kagaya ng dahilan kung bakit naging
mapaminsala ang bagyong Ondoy sa lalawigan ng Rizal).

Mga dapat gawin BAGO ang pagbaha

       Alamin ang warning system at signal sa inyong barangay o munisipyo.
       Obserbahan ang sitwasyon ng lugar at makinig sa ulat ng panahon mula sa PAGASA.
       Pakinggan ang opisyal na warning signal na ibibigay ng kagawad na sumasakop sa sona.
       Ihanda ang mga pangunahing kakailanganin sa paglikas tulad ng damit, kumot, pagkain,
       maiinom na tubig, gamot, posporo, kandila, flashlight, radyong de-baterya, banig, at iba
       pa. Maiging nakabalot ang mga ito sa plastik.
       Itago o ilagay sa plastik ang mga mahahalagang dokumento at papeles.
       Mag-imbak na ng malinis na inuming tubig.
       Siguraduhin na magkakasama ang lahat ng miyembro ng pamilya at ihanda ang bawat isa
       sa anumang mangyayari.
       Alamin ang pinakamalapit na evacuation center at ang pinakamalapit na daan patungo
       rito.
       Maghintay sa warning signal na ibibigay ng kagawad tungkol sa paghahanda sa paglikas
       at sa mismong paglikas.
       Makipag-ugnayan sa nakatalagang kagawad kung nais nang lumikas patungo sa kamag-
       anak sa ibang barangay upang maitala.
       Ang Barangay Disaster Coordinating Council (BDCC) ay dapat maghanda ng kanilang
       gamit tulad ng malalaking flashlight, radyong de-baterya, warning device (megaphone,
       pito, kalembang), mga matitibay na lubid, first aid kit, sasakyang may sapat na gasolina
       para sa mabilis na paglikas at pakikipag-ugnayan, mga gamit pang-komunikasyon tulad
       ng cellphone, mga kagamitan tulad ng martilyo, liyabe, wrench, pala, at iba pa.
       Kung sa pagtantya ay magtutuluy-tuloy pa ang pagtaas ng tubig ay lumikas na bago pa
       masira ang mga daan at mga tulay.
       Ilipat na ang mga alagang hayop sa mataas na lugar.
       Bago lumikas, patayin muna ang kuryente at ikandadong mabuti ang bahay.

Mga dapat gawin HABANG may baha
Iwasan ang mga lugar na may tubig-baha lalo na kung hindi nakasisiguro sa lalim nito.
       Huwag lumusong o tumawid sa mga tubig na hindi alam ang lalim, gaya ng ilog o sapa.
       Kung may dalang sasakyan at inabot ng baha, huwag piliting tawirin ang baha laluna
       kung malakas ang agos nito at hindi matantya ang lalim.
       Huwag payagang maglaro ang mga bata sa baha. Huwag languyan o tawirin ng bangka
       ang mga binahang ilog.
       Siguraduhing lutung-luto ang mga pagkain at iwasang marumihan ang mga tirang
       pagkain.
       Pakuluan ang tubig bago ito inumin.

Mga dapat gawin PAGHUPA ng baha

       Gumamit ng flashlight kapag muling papasukin ang binahang bahay.
       Maging alerto sa mga bagay na maaaring pagsimulan ng sunog.
       Tiyaking malinis at hindi narumihan ng tubig-baha ang mga pagkain at inumin. Lutuin
       muna ng mabuti o pakuluan ito bago kainin o inumin.
       Iulat sa mga kinauukulan ang mga nasirang pasilidad gaya ng poste at kawad ng
       kuryente, tubo ng tubig, at iba pa.
       Siguraduhing nasiyasat ng mabuti ng isang marunong sa kuryente ang switch ng
       kuryenteng nabasa at lahat ng gamit na de-kuryente bago gamiting muli ang mga ito.

LANDSLIDE

Nagaganap ang landslide sa pagbagsak ng lupa, putik, o mga malalaking bato dahil sa pagiging
mabuway ng burol o bundok. Karaniwan itong idinudulot ng malakas o tuluy-tuloy na pag-ulan o
‘di kaya naman ay paglindol. Nagiging dahilan din o nakapagpapalala ng landslide ang
pagmimina, paggawa ng kalsada, di-akmang paggamit ng lupa, at pagputol ng mga puno sa
kagubatan.

Mga Dapat Tandaan

       Ang landslide ay walang babala. Sa mga pagguhong sanhi ng paglindol, ang lindol
       mismo o mga aftershock nito ang magsisilbing babala. Malaki rin ang epekto ng
       matinding pag-ulan - dahil sa pagkababad ng lupa sa ulan, napapadali nito ang pagguho
       ng lupa. Dahil walang babala, wala ring sapat na oras o panahon upang makalikas.
       Iwasan ang mga natukoy na mapanganib na lugar hangga’t maaari. Iwasang magtayo ng
       anumang istruktura sa mga lugar na ito.
       Magbuo ng sistema ng babala sa komunidad para sa lindol at mga dulot nitong hazard
       katulad ng landslide.
       Magbuo ng Evacuation Plan para sa mga lugar na may banta ng panganib. Tiyaking
       makapagtukoy ng mga ligtas na relocation site.
       Magtayo ng mga warning stations at palagian itong bantayan upang makapagbigay ng
       babala kung kinakailangan.
       Piliing mabuti ang paglalagyan ng mga rain gauge upang ito ay makakuha ng sapat na
       dami ng ulan. Regular itong i-monitor upang maging wasto ang basehan ng warning
       signal. Ito ay kailangang mabantayang mabuti upang hindi masira at magsilbi para sa
wastong gamit ng taong bayan. Magsagawa ng pagsasanay sa mga taumbayan hinggil sa
pagbasa ng rain gauge.
Maiging laging may nakahandang mga relief goods ang lokal na pamahalaan sapagkat
mataas ang posibilidad na makulong o ma-isolate ang ilang mga barangay dahil sa
pagguho ng mga bundok.
Gawing batas ang pagbawal sa pagtotroso at magkaroon ng programa o polisiya sa
pagtatanim ng mga punong-kahoy.


Mga dapat gawin kapag may lindol
March 26, 2011 by webmaster in Uncategorized | Comments Off
1. Una kapag naramdaman nang may lindol, huwag nang umalis sa pwesto.
2. Pumunta sa isang siguradong lugar at umupo lang.
3. Huwag hahayaan na ikaw ay tatayo at lalakad pa kapag may lindol, mag hanap kaagad
at mag isip kung saan pwedeng sumilong, upang hindi malaglagan nang anung mang
bagay na mahuhulog mula sa itaas.
4. Importanteng protektahan una ang ulo. Kung may nakitang lamesa o upuan, mag tago
sa ilalim nito at takpan ang ulo.
5. Iwasan at huwag mag panic. Kailangan ay relax ka lang upang ikaw ay hindi na
mataranta pa pag nag karon nang lindol.
6. Kung ikaw ay may mga kasama kailangan ay hindi kayo mag ka hiwahiwalay. Dahil
delikado kapag kayo ay nag kahiwahiwalay, mahihirapan kayong hanapin ang isat isa.
7. Siguraduhin din na ang sinisilungan ninyo o pinag tataguan ay matibay.
8. Kung wala naman makita na lamesa o upuan na pwedeng pag taguan, maari na kamay
na lang ang ipang takip sa ulo.
9. Iwasan din na pumuwesto sa isang lugar na may mga ilaw, dahil baka mabaksakan ka
nito.
10. At kung ikaw naman ay na istranded sa isang mataas na building, huwag nadin
tumakbo pa, dahil delikado at baka madisgrasya pa.
11. Hintayin na lang na huminto ang lindol at mga reresponding mga pulis at ambulansya
na tutulong sa mga na trap.
12. Kung nag mamaneho naman at naabutan nang lindol sa kalsada. Huwag nang
tumuloy mag maneho.
13. Mas makakabuti at magiging ligtas kapag hinto ang pag mamaneho at itinabi sa isang
ligtas na lugar ang iyong sasakyan.
14. Iwasang ipwesto ang iyong sasakyan sa tabi nang mga poste dahil baka ito ay
bumagsak at mabagsakan ang iyong kotse o sasakyan.
15. Kung naabutan naman nang lindol sa kalsada at kasalukuyan nag lalakad. Huwag
nang mag tangkang lumakad pa o tumakbo dahil mas delikado. Mas mabuti kung ikaw ay
uupo na lang tatakpan at poprotektahan ang iyong ulo nang saganon ay hindi
madisgrasya.
16. Kailangan na maging alerto sa mang yayari dahil meron mga hindi inaasahan na
mangyayari tulad nang lindol.
17. Kailangan din na malakas ang pakiramdam at mag masid sa paligid at sa tumingin sa
itaas, upang makita at malaman kung may babagsak bang bagay, upang nang saganon ay
madali kang makaka iwas.
18. Tignan at mag masid sa bawat paligid, para malaman kung may nangngailangan ba
nang tulong.
19. Kapag naramdaman na wala nang lindol umalis agad sa pwesto at mag hanap nang
mas ligtas na lugar at ipag bigay alam agad ang nangyari.
20. Kung lumilindol pa at may naiwanan na gamit huwag nang mag tangka na balikan pa
ito kung hindi naman kito importante.
21. Kung na trap naman sa isang mataas na building ipag bigay alam agad ito o tumawag
sa mga kaibigan, kakilala na ikaw ay naiwan sa building.
22. Kung hindi alam ang gagawin sa sobrang takot dahil sa lakas nang lindol, ang
gagawin lang ay una kailangan ay huwag kang niyerbusin o mag panic.
23. Iwasan na pumuwesto sa isang lugar na may ilaw o kuryente. O mga mayron na gamit
na babasagin.
24. Mag punta agad sa ilalim nang lamesa upang makapag tago at ma iligtas ang sarili.
25. Ugaliing laging maging alerto sa mga hindi inaasahang pang yayari.
26. Kailangan ay mapag handaan ang mga ito, kailangan siguraduhin na ang inyong
bahay ay matibay ang pondasyon nang bawat poste at ang pag kakagawa nito. Upang
hindi kaagad ito masira.
27. Mag tabi din nang sapat na ipong pera at mga pag kain para sa hindi na mga
inaasahan na pang yayari.
28. Ugaliing tiyakin na ang lahat nang iyong miyembro ay magiging ligtas klapag nag
karon nang mga sakuna tulad nang pag kakaron nang malakas na lindol, ulan o bagyo at
pati na ang pag baha.
29. Nang sa ganon ay handa ka sa lahat nang bagay kung ano9 man ang dumating na
       sakuna.
       30. At alam mo kung ano ang dapat mong gawin.

Mga Dapat Gawin kung may Bagyo o Baha

· Manahimik sa bahay at huwag nang lumabas

· Makinig sa radio o manood ng telebisyon para sa mga balita

· Sundin ang mga babala tungkol sa kaligtasan

· Sinupin ang tahanan at siguraduhing ligtas sa hangin

· Putulin ang mga sanga ng kahoy na malapit sa tirahan

· Siguraduhing maluwag ang kalsada para sa mga sasakyang pang-emergency

· Kung ang inyong tirahan ay laging binabaha, pumunta na agad sa evacuation center

· Maghanda ng flashlight at portable radio na bago ang mga baterya

· Maglaan ng stock na pagkain, inuming tubig, gaas, baterya at first aid supplies

· Kung baha na, isarado ang kuryente, kalan de gas at gripo ng tubig sa bahay

· Siguraduhing hindi maaabot ng baha ang mga muwebles at appliances, gayundin ang mga
    chemicals at kalat sa bahay

· Iwasang pumunta sa mga lugar na maaaring magkaroon ng pagkatibag o land slides

· Huwag makipagsapalarang tumawid sa tubig na malakas ang alon

· Huwag gumamit ng electrical equipment kapag may baha

· Huwag gamitin ang gas o electrical equipment na nalubog na sa tubig

· Pamalagiing bukas ang cellphone o linya ng telepono para sa anumang emergensing tawag.

More Related Content

Bagyo

  • 1. Mga Uri ng Hazards at Paghahanda Rito BAGYO Ang bagyo o typhoon/storm ay malakas na hanging kumikilos ng paikot na madalas ay may kasamang malakas at matagal na pag-ulan. Ito ay ay isang higanteng buhawi. Sa mata ng bagyo ay walang hangin subalit malakas naman ang hangin sa eyewall nito. Public Storm Warning Signal (PSWS). Ang PSWS ay mga babalang ipinalalabas ng PAGASA upang malaman kung gaano kalakas ang paparating na bagyo, saan ang lokasyon nito sa oras na inilabas ang PSWS, saan ang tinatayang dadaanan nito, at ano ang mga paghahandang dapat o maaari pang maisagawa ng mga komunidad na maaapektuhan ng pagdaan ng bagyo. PSW Signal Number 1 – hanging may lakas mula 30-60 kph. Inaasahan ang bagyo sa loob ng 36 oras. PSW Signal Number 2 – hanging may lakas mula 61-100 kph. Inaasahan ang bagyo sa loob ng 24 oras. PSW Signal Number 3 – hanging may lakas mula 100-185 kph. Maaasahan ang pagdating sa loob ng 18 oras. PSW Signal Number 4 – napakalakas na hanging hihigit sa 185 kph at maaasahan sa loob ng 12 oras. Mga dapat gawin BAGO dumating ang bagyo Ihanda ang radyo, flashlight at ekstrang baterya; Maghanda ng pang-emergency na pagkaing hindi agad nasisira (katulad ng de-lata at biskwit), lalagyan ng tubig, first-aid kit o gamit at gamot na pang-unang lunas, at mga plastik na supot; Tiyaking mabuti na makakayanan ng bubong at mga bintana ng bahay ang malakas na ihip ng hangin (para sa mga kabahayan sa maralitang komunidad, tiyakin din na kakayanin ng haligi at dingding ang lakas ng hangin sa pamamagitan ng pagtatali at/o pagpapako ng maayos sa mga ito); at Putulin ang mga mahahabang sanga ng mga punongkahoy na malapit sa bahay. Mga dapat gawin HABANG may bagyo Ugaliing makinig sa radyo o manood ng TV para sa regular na anunsyo o babala tungkol sa kalagayan ng bagyong paparating o kaya naman ay makibalita sa mga kapitbahay; Siguraduhing may mga gamit pang-emergency na nakalagay sa lalagyang hindi nababasa; Punuin ang lalagyan ng tubig, ilagay sa plastik na supot ang mga ekstrang damit, mga delata, kandila, posporo, baterya, at iba pang mahahalagang gamit; Mag-ingat sa mata ng bagyo. Ito ang biglang pagtigil ng hangin at ulan at kalmado ang paligid sa isang lugar. Hudyat ito na pagkaraan ng halos 2 oras ay babalik ang mas malakas na hangin at ulan; Manatili sa loob ng bahay hanggang matapos ang bagyo; at
  • 2. Kung kinakailangang lumikas, tiyaking nakapatay ang kuryente ng bahay, nakasara ang tangke ng gas, at nakasusi ang pinto. Huwag kalimutan ang mga gamit pang-emergency. BAHA Nangyayari ang baha o floodings sa pagtaas ng tubig nang higit sa kapasidad ng ilog at ibang daluyan na ang resulta ay pag-apaw nito sa kapatagan. Ito ay dulot ng labis na pag-ulan, biglaang pagbuhos ng ulan o thunderstorm, pagka-ipon ng tubig dahil sa pagbabara ng mga daluyan ng tubig, at tuluy-tuloy na pag-ulan sa loob ng ilang araw. FLASHFLOODS Ang flashfloods ay rumaragasang agos ng tubig na may kasamang banlik, putik, bato, kahoy, at iba pa. Mabilis ang pagdating nito at mabilis din ang paghupa. Maaaring sanhi ito ng pagkakalbo ng bundok (kagaya ng dahilan kung bakit naging mapaminsala ang bagyong Sendong sa lalawigan ng Cagayan De Oro) at pagmimina (kagaya ng dahilan kung bakit naging mapaminsala ang bagyong Ondoy sa lalawigan ng Rizal). Mga dapat gawin BAGO ang pagbaha Alamin ang warning system at signal sa inyong barangay o munisipyo. Obserbahan ang sitwasyon ng lugar at makinig sa ulat ng panahon mula sa PAGASA. Pakinggan ang opisyal na warning signal na ibibigay ng kagawad na sumasakop sa sona. Ihanda ang mga pangunahing kakailanganin sa paglikas tulad ng damit, kumot, pagkain, maiinom na tubig, gamot, posporo, kandila, flashlight, radyong de-baterya, banig, at iba pa. Maiging nakabalot ang mga ito sa plastik. Itago o ilagay sa plastik ang mga mahahalagang dokumento at papeles. Mag-imbak na ng malinis na inuming tubig. Siguraduhin na magkakasama ang lahat ng miyembro ng pamilya at ihanda ang bawat isa sa anumang mangyayari. Alamin ang pinakamalapit na evacuation center at ang pinakamalapit na daan patungo rito. Maghintay sa warning signal na ibibigay ng kagawad tungkol sa paghahanda sa paglikas at sa mismong paglikas. Makipag-ugnayan sa nakatalagang kagawad kung nais nang lumikas patungo sa kamag- anak sa ibang barangay upang maitala. Ang Barangay Disaster Coordinating Council (BDCC) ay dapat maghanda ng kanilang gamit tulad ng malalaking flashlight, radyong de-baterya, warning device (megaphone, pito, kalembang), mga matitibay na lubid, first aid kit, sasakyang may sapat na gasolina para sa mabilis na paglikas at pakikipag-ugnayan, mga gamit pang-komunikasyon tulad ng cellphone, mga kagamitan tulad ng martilyo, liyabe, wrench, pala, at iba pa. Kung sa pagtantya ay magtutuluy-tuloy pa ang pagtaas ng tubig ay lumikas na bago pa masira ang mga daan at mga tulay. Ilipat na ang mga alagang hayop sa mataas na lugar. Bago lumikas, patayin muna ang kuryente at ikandadong mabuti ang bahay. Mga dapat gawin HABANG may baha
  • 3. Iwasan ang mga lugar na may tubig-baha lalo na kung hindi nakasisiguro sa lalim nito. Huwag lumusong o tumawid sa mga tubig na hindi alam ang lalim, gaya ng ilog o sapa. Kung may dalang sasakyan at inabot ng baha, huwag piliting tawirin ang baha laluna kung malakas ang agos nito at hindi matantya ang lalim. Huwag payagang maglaro ang mga bata sa baha. Huwag languyan o tawirin ng bangka ang mga binahang ilog. Siguraduhing lutung-luto ang mga pagkain at iwasang marumihan ang mga tirang pagkain. Pakuluan ang tubig bago ito inumin. Mga dapat gawin PAGHUPA ng baha Gumamit ng flashlight kapag muling papasukin ang binahang bahay. Maging alerto sa mga bagay na maaaring pagsimulan ng sunog. Tiyaking malinis at hindi narumihan ng tubig-baha ang mga pagkain at inumin. Lutuin muna ng mabuti o pakuluan ito bago kainin o inumin. Iulat sa mga kinauukulan ang mga nasirang pasilidad gaya ng poste at kawad ng kuryente, tubo ng tubig, at iba pa. Siguraduhing nasiyasat ng mabuti ng isang marunong sa kuryente ang switch ng kuryenteng nabasa at lahat ng gamit na de-kuryente bago gamiting muli ang mga ito. LANDSLIDE Nagaganap ang landslide sa pagbagsak ng lupa, putik, o mga malalaking bato dahil sa pagiging mabuway ng burol o bundok. Karaniwan itong idinudulot ng malakas o tuluy-tuloy na pag-ulan o ‘di kaya naman ay paglindol. Nagiging dahilan din o nakapagpapalala ng landslide ang pagmimina, paggawa ng kalsada, di-akmang paggamit ng lupa, at pagputol ng mga puno sa kagubatan. Mga Dapat Tandaan Ang landslide ay walang babala. Sa mga pagguhong sanhi ng paglindol, ang lindol mismo o mga aftershock nito ang magsisilbing babala. Malaki rin ang epekto ng matinding pag-ulan - dahil sa pagkababad ng lupa sa ulan, napapadali nito ang pagguho ng lupa. Dahil walang babala, wala ring sapat na oras o panahon upang makalikas. Iwasan ang mga natukoy na mapanganib na lugar hangga’t maaari. Iwasang magtayo ng anumang istruktura sa mga lugar na ito. Magbuo ng sistema ng babala sa komunidad para sa lindol at mga dulot nitong hazard katulad ng landslide. Magbuo ng Evacuation Plan para sa mga lugar na may banta ng panganib. Tiyaking makapagtukoy ng mga ligtas na relocation site. Magtayo ng mga warning stations at palagian itong bantayan upang makapagbigay ng babala kung kinakailangan. Piliing mabuti ang paglalagyan ng mga rain gauge upang ito ay makakuha ng sapat na dami ng ulan. Regular itong i-monitor upang maging wasto ang basehan ng warning signal. Ito ay kailangang mabantayang mabuti upang hindi masira at magsilbi para sa
  • 4. wastong gamit ng taong bayan. Magsagawa ng pagsasanay sa mga taumbayan hinggil sa pagbasa ng rain gauge. Maiging laging may nakahandang mga relief goods ang lokal na pamahalaan sapagkat mataas ang posibilidad na makulong o ma-isolate ang ilang mga barangay dahil sa pagguho ng mga bundok. Gawing batas ang pagbawal sa pagtotroso at magkaroon ng programa o polisiya sa pagtatanim ng mga punong-kahoy. Mga dapat gawin kapag may lindol March 26, 2011 by webmaster in Uncategorized | Comments Off 1. Una kapag naramdaman nang may lindol, huwag nang umalis sa pwesto. 2. Pumunta sa isang siguradong lugar at umupo lang. 3. Huwag hahayaan na ikaw ay tatayo at lalakad pa kapag may lindol, mag hanap kaagad at mag isip kung saan pwedeng sumilong, upang hindi malaglagan nang anung mang bagay na mahuhulog mula sa itaas. 4. Importanteng protektahan una ang ulo. Kung may nakitang lamesa o upuan, mag tago sa ilalim nito at takpan ang ulo. 5. Iwasan at huwag mag panic. Kailangan ay relax ka lang upang ikaw ay hindi na mataranta pa pag nag karon nang lindol. 6. Kung ikaw ay may mga kasama kailangan ay hindi kayo mag ka hiwahiwalay. Dahil delikado kapag kayo ay nag kahiwahiwalay, mahihirapan kayong hanapin ang isat isa. 7. Siguraduhin din na ang sinisilungan ninyo o pinag tataguan ay matibay. 8. Kung wala naman makita na lamesa o upuan na pwedeng pag taguan, maari na kamay na lang ang ipang takip sa ulo. 9. Iwasan din na pumuwesto sa isang lugar na may mga ilaw, dahil baka mabaksakan ka nito. 10. At kung ikaw naman ay na istranded sa isang mataas na building, huwag nadin tumakbo pa, dahil delikado at baka madisgrasya pa. 11. Hintayin na lang na huminto ang lindol at mga reresponding mga pulis at ambulansya na tutulong sa mga na trap. 12. Kung nag mamaneho naman at naabutan nang lindol sa kalsada. Huwag nang tumuloy mag maneho. 13. Mas makakabuti at magiging ligtas kapag hinto ang pag mamaneho at itinabi sa isang ligtas na lugar ang iyong sasakyan.
  • 5. 14. Iwasang ipwesto ang iyong sasakyan sa tabi nang mga poste dahil baka ito ay bumagsak at mabagsakan ang iyong kotse o sasakyan. 15. Kung naabutan naman nang lindol sa kalsada at kasalukuyan nag lalakad. Huwag nang mag tangkang lumakad pa o tumakbo dahil mas delikado. Mas mabuti kung ikaw ay uupo na lang tatakpan at poprotektahan ang iyong ulo nang saganon ay hindi madisgrasya. 16. Kailangan na maging alerto sa mang yayari dahil meron mga hindi inaasahan na mangyayari tulad nang lindol. 17. Kailangan din na malakas ang pakiramdam at mag masid sa paligid at sa tumingin sa itaas, upang makita at malaman kung may babagsak bang bagay, upang nang saganon ay madali kang makaka iwas. 18. Tignan at mag masid sa bawat paligid, para malaman kung may nangngailangan ba nang tulong. 19. Kapag naramdaman na wala nang lindol umalis agad sa pwesto at mag hanap nang mas ligtas na lugar at ipag bigay alam agad ang nangyari. 20. Kung lumilindol pa at may naiwanan na gamit huwag nang mag tangka na balikan pa ito kung hindi naman kito importante. 21. Kung na trap naman sa isang mataas na building ipag bigay alam agad ito o tumawag sa mga kaibigan, kakilala na ikaw ay naiwan sa building. 22. Kung hindi alam ang gagawin sa sobrang takot dahil sa lakas nang lindol, ang gagawin lang ay una kailangan ay huwag kang niyerbusin o mag panic. 23. Iwasan na pumuwesto sa isang lugar na may ilaw o kuryente. O mga mayron na gamit na babasagin. 24. Mag punta agad sa ilalim nang lamesa upang makapag tago at ma iligtas ang sarili. 25. Ugaliing laging maging alerto sa mga hindi inaasahang pang yayari. 26. Kailangan ay mapag handaan ang mga ito, kailangan siguraduhin na ang inyong bahay ay matibay ang pondasyon nang bawat poste at ang pag kakagawa nito. Upang hindi kaagad ito masira. 27. Mag tabi din nang sapat na ipong pera at mga pag kain para sa hindi na mga inaasahan na pang yayari. 28. Ugaliing tiyakin na ang lahat nang iyong miyembro ay magiging ligtas klapag nag karon nang mga sakuna tulad nang pag kakaron nang malakas na lindol, ulan o bagyo at pati na ang pag baha.
  • 6. 29. Nang sa ganon ay handa ka sa lahat nang bagay kung ano9 man ang dumating na sakuna. 30. At alam mo kung ano ang dapat mong gawin. Mga Dapat Gawin kung may Bagyo o Baha · Manahimik sa bahay at huwag nang lumabas · Makinig sa radio o manood ng telebisyon para sa mga balita · Sundin ang mga babala tungkol sa kaligtasan · Sinupin ang tahanan at siguraduhing ligtas sa hangin · Putulin ang mga sanga ng kahoy na malapit sa tirahan · Siguraduhing maluwag ang kalsada para sa mga sasakyang pang-emergency · Kung ang inyong tirahan ay laging binabaha, pumunta na agad sa evacuation center · Maghanda ng flashlight at portable radio na bago ang mga baterya · Maglaan ng stock na pagkain, inuming tubig, gaas, baterya at first aid supplies · Kung baha na, isarado ang kuryente, kalan de gas at gripo ng tubig sa bahay · Siguraduhing hindi maaabot ng baha ang mga muwebles at appliances, gayundin ang mga chemicals at kalat sa bahay · Iwasang pumunta sa mga lugar na maaaring magkaroon ng pagkatibag o land slides · Huwag makipagsapalarang tumawid sa tubig na malakas ang alon · Huwag gumamit ng electrical equipment kapag may baha · Huwag gamitin ang gas o electrical equipment na nalubog na sa tubig · Pamalagiing bukas ang cellphone o linya ng telepono para sa anumang emergensing tawag.